Kumpirmado na raw na “Madre de Familia” ang title ng kauna-unahang TV series ng Superstar na si Nora Aunor sa TV5! Para sa isang buwan lang daw tatakbo ang kabuuan ng istorya nito pero sinisigurado naman daw ng TV5 na sulit ang muling pagbabalik telebisyon ni Nora sa seryeng ito.
Ilan daw sa makakasama ni Nora dito ay sina Eugene Domingo (Cinemalaya’s Best Actress), Edgar Allan Guzman (Cinemalaya’s Best Actor), Ryan Agoncillo at ang kanyang dating kaparehang si Christopher De Leon. Balik-tambalan daw na serye nila itong dalawa pagkatapos ng napakahabang panahon. Siguradong marami na ang nag-aabang ngayon pa lang lalo na kung malalaman nilang ang magiging direktor ay si Mario O’Hara na kilalang-kilala sa kanyang mga obra at isa sa mga sikat at classic niyang nagawang movie with Nora at ang “Tatlong Taong Walang Diyos” (1976).