May bagong niluluto ngayong serye ang GMA Network para kina Carla Abellana at Michelle Madrigal. Ito ang susunod na magiging project ni Carla pagkatapos ng Magic Palayok at ni Michelle naman pagkatapos ng Captain Barbell.
“Magkaagaw” raw ang working title nito na malamang ay mapalitan pa.
Ito ang sinasabing papalit sa extended pa ring Sisid ni Jackie Rice sa Dramarama sa hapon ng GMA7. Wala pa ring napipili ang management para sa magiging leading man nila sa seryeng ito. Si Jay Altajeros ang magiging Director nito.