Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may kasama ka sa trabaho na may balak na masama sa iyo. Kaya naman kailangan mong maging aware sa iyong paligid.
Love:
Couples: I-enjoy ninyo lang ang oras sa tuwing magkasama kayo. Hindi ninyo kailangang umalis ng bahay para mag-enjoy.
Money/Career:
Kung may kailangan kang i-celebrate ngayong araw, gawin mo ito. Basta huwag ka lang gumastos ng sobrang laki.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging maganda ang araw mo ngayon. May malaking chance din na may mga kaibigan kang bumisita sa inyo. Maghanda ng pagkain para sa kanila.
Love:
Couples: May suprise party ka sana para sa iyong partner. Pero kung mo ito ma-push, mas mabuting simpleng celebration na lang ang gawin.
Money/Career:
May job opportunity ang darating sa iyo. Bago man ito sa iyong pandinig, wala namang mawawala kung susubukan ito.
Lucky color: Violet
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Unti-unti ka na gumagaling sa iyong trabaho. Kaya naman hindi malabong mapansin ka na ng iyong mga boss.
Love:
Couples: Mukhang mapapaaway ka sa iyong partner dahil sa pagpigil mo sa isang bagay na kanyang gagawin.
Money/Career:
Mukhang may chance na makakuha ka ng bonus mula sa iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May mga magagandang oportunidad ang darating sa iyo. Pero kung tatanggapin mo ito, siguraduhin mong may sapat ka na commitment para tiyak ang tagumpay mo rito.
Love:
Singles: Ang taong nakalaan sa iyo ay malapit lang sa iyo. Kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam para makita mo siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinilaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Iwasan mo munang magpautang ngayong araw dahil may malaking chance na hindi niya ito mabayaran sa araw na sasabihin niya sa iyo.
Love:
Singles: Panahon na para aminin mo sa kanya na may gusto ka sa kanya. Kung ide-delay mo pa ito, maaaring maunahan ka na ng iba.
Money/Career:
Maglaan ka naman ng oras para mag-enjoy. Huwag lang puro trabaho ang atupagin mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, pero huwag mo naman ito kunin lahat. Piliin mo lang ang mga bagay na sa tingin mo ay paglalaanan mo ng panahon.
Love:
Singles and Couples: Mas mabuti na magconcentrate ka muna sa iyong career hanggang sa maging stable na ang inyong financial status.
Money/Career:
I-check mo nang mabuti ang iyong bills at baka may makalimutan kang bayaran sa buwang ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May pagbabago na darating sa iyo. Huwag kang mangamba at sumabay na lang sa agos. Maaaring may dulot na swerte rin sa iyo ito sa huli.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner, gumawa ka ng isang surprise party para sa kanya. Paghandaan mo itong mabuti.
Money/Career:
Maging maingat ka sa iyong trabaho. Konting pagkakamali lang at tiyak na malilintikan ka sa iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mahirap man ang iyong sitwasyon sa ngayon, magagawan mo rin ito ng paraan kaya naman habaan mo lang ang iyong pasensiya.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner at magagamit mo ito para mapaganda ang future ng inyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa journalism at pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Rose
Lucky number: 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang mapapagastos ka ngayong araw. May makikita kang bagay na bibilhin mo dahil gusto mo lang ang itsura nito.
Love:
Couples: Kung busy ka sa trabaho, ipaalam mo ito sa iyong partner para hindi siya nag-aalala sa mga panahon na hindi ka niya makausap.
Money/Career:
Kung wala ng future ang inyong partnership, mas mabuting tapusin na ito para makapaglaan ka na ng oras sa iba pang bagay.
Lucky color: Violet
Lucky number: 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May mga bagay na hindi aayon sa iyong kagustuhan ngayong araw kaya naman hindi maiiwasan na maging upset ka sa mga ito.
Love:
Couples: Iwasan mong mag-cheat at lokohin ang iyong partner. Tandaan mo na dapat honest at loyal ka sa kanya palagi.
Money/Career:
Kung lagi ka na lang distracted sa iyong trabaho, mas mabuting magbakasyon ka na lang muna para makapagfocus kang muli.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman marami kang gawain na matatapos. May chance rin na may makuha kang bonus galing sa iyong boss.
Love:
Singles: Huwag kang mawalan ng pag-asa. Makikita mo rin ang taong nakalaan sa iyo kaya naman ipagpatuloy mo lang ang paghahanap sa kanya.
Money/Career:
Magaling ka sa iyong trabaho pero minsan talaga ay may mga bagay na hindi umaayon sa iyong kagustuhan.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Makinig ka sa mga taong sumusuporta sa iyo. Huwag kang magsayang ng oras sa mga taong negative ang pananaw sa buhay.
Love:
Singles: Kung hindi ka marunong isantabi ang iyong ego, magkakaroon ka ng problema sa iyong future relationships.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang tapusin ang iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong sa iba at maaaring ang ilan sa kanila ay paunlakan ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16