Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may mga gamit ka na hindi mo na masyadong ginagamit, ibigay mo na ito sa iba. Huwag mo na hayaang nakatambak na lang ito sa iyong kwarto.
Love:
Singles: May taong magyayaya sa iyo sa isang lunch o dinner. Huwag mo siyang tanggihan dahil minsan lang siya manlibre.
Money/Career:
Kung hindi sapat ang iyong sinusweldo sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para ikaw ay magtayo ng sarili mong business.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging demanding ang araw na ito para sa iyo. May mga bagay ka na hindi mo basta-basta pwedeng iwan sa iba.
Love:
Couples: Kung nagtataka sa mga ikinikilos ng iyong partner kamakailan, malalaman mo na ngayong araw ang dahilan sa likod nito.
Money/Career:
Mas malaki ang kikitain mo kung pagkakakitaan mo ang isang bagay na talagang hilig mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Ito na ang tamang panahon para sa pagbabago. Kaya naman kung pinag-iisipan mong lumipat na sa iba, gumawa ka na ng hakbang para simulan ito.
Love:
Singles: Maaaring handa ka na para magkaroon ng karelasyon. Pero dapat ay maging independent ka pa rin at maging responsable sa iyong mga desisyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa engineering at software development ang trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Tapusin mo muna ang iyong commitments bago mo gawin ang mga gusto mong bagay. May mga importanteng bagay kang dapat unahin kaya huwag mo itong ipagpabukas.
Love:
Couples: May desisyon ka na dapat gawin ngayong araw. Kaya kahit hindi mo ito gusto, kailangan mo pa rin itong pagdesisyunan.
Money/Career:
Alam mo naman kung paano magsaya, pero magfocus ka muna sa iyong trabaho para maging maayos ang iyong mga gawain.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Meron kang pupuntahan na isang major event, pero parang tinatamad ka na. Huwag maging paasa at pumunta ka rito para hindi sumama ang loob ng taong nag-imbita sa iyo.
Love:
Ex-couples: Malaki ang posibilidad na muli mong makita ang iyong ex. Kung gusto niyang makipagbalikan sa iyo, tanggihan mo ito at huwag kang pumayag.
Money/Career:
Iwasan mong makipagtsismisan sa oras ng trabaho. Magfocus ka na lang sa iyong mga gawain para matapos ka kaagad.
Lucky color: Gold
Lucky number: 8
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring malito ka sa kung anong dapat mong gawin ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil may isang tao na ga-guide sa iyo para maging okay ang araw mo.
Love:
Singles: Kung lagi kang tinutulungan ng isang tao, huwag agad mag-assume na may gusto siya sa iyo. Marahil ay matulungin lang talaga siya.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, ikonsulta mo muna ito sa iyong pamilya o mga kaibigan. Mahirap na at baka malugi ka lang sa huli.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging matagumpay sa anumang bagay na gagawin mo ngayong araw. Ingatan mo lang ang iyong sarili dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay magkasakit.
Love:
Ex-couples: Merong malaking posibilidad na muli kang makipagbalikan sa iyong ex, pero hindi mo ito dapat madaliin.
Money/Career:
Gugustuhin mong magshopping ngayong araw, pero mukhang wala ka ring mabibili sa huli dahil hindi ka sigurado sa gusto mong bilhin.
Lucky color: Dark Grey
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Alagaan mo ang iyong sarili. May malaking posibilidad na magkasakit ka sa mga susunod na araw. Umiwas ka muna sa mga malalamig na pagkain.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa ikinikilos ng iyong partner sa mga nagdaang araw, malalaman mo na ang rason sa likod nito. Maaari mo itong ikabigla.
Money/Career:
Matindi ang competition sa iyong trabaho. Kaya naman gawin mo lagi ang iyong best para lalo kang mapansin ng iyong boss.
Lucky color: Silver
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung naguguluhan ka sa iyong buhay, magmuni-muni ka muna. Pumunta ka sa tahimik na lugar o kaya’y magsimba ka.
Love:
Couples: Kung naging busy ang iyong partner kamakailan, gagawa siya ng paraan para bumawi sa iyo, kaya huwag ka na magtampo.
Money/Career:
Kung meron kang sariling business, malapit na lumago ito at makakaahon ka rin sa hirap.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may pinoproblema ka tungkol sa iyong pamilya, subukan mong humingi ng payo sa iyong mga kaibigan para masolusyunan ito.
Love:
Couples: Kung kailangan ng partner mo ng space pansamantala, ibigay mo ito sa kanya. Magkakaroon ka rin ng oras para ma-analyze ang status ng inyong relationship.
Money/Career:
Kung may job interview ka ngayong araw, maging confident ka at maniwala sa sarili mong kakayahan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring makatanggap ka ng good news ngayong araw. Huwag mong kalimutang i-share ito sa iyong pamilya at mga kaibigan.
Love:
Singles: Magiging mas mature ka na pagdating sa pag-ibig. Hindi ka na basta-basta nahuhulog kung kani-kanino.
Money/Career:
Nasa iyo ang kakayahan para matapos ang anumang bagay na iyong sinimulan. Kailangan mo lang ng focus para rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mapapansin ka ng maraming tao ngayong araw dahil sa iyong talent, kaya naman hindi maiiwasan na may mga taong magseselos sa atensyon na iyong nakukuha.
Love:
Singles: Maaaring magpakitang-gilas ka sa taong nagugustuhan mo, pero mukhang hindi niya masasakyan ang trip mo. Bawi ka na lang next time.
Money/Career:
Once na may simulan kang gawin, mahihirapan ka na maglaan ng panahon para sa ibang bagay. Kaya naman tapusin mo agad ang iyong mga gawain para makapaglaan ka ng panahon sa iba.
Lucky color: Violet
Lucky number: 6