Daniel Cuaresma, Jr is a rich boy fresh from highschool. Dahil only son ng isang doktorang may-ari ng isang ospital sa Maynila, pangarap din niyang maging doktor. And he is close to reaching this dream, dahil natanggap siya sa isang med school abroad for college. Handa na ang lahat—his passport, visa, pati tutuluyan sa states. Isa na lang ang problema—ang parental consent. Wala pa kasing pirma ang daddy niya. His dad has only one condition for Daniel before he signs – he wants his son to spend summer with him. Simple lang kung tutuusin. But not for Daniel. He hates his dad. He has hated him eversince he left their family and went back to the province to take care of his farm. Kaya naman spending time with his dad, during his last summer in the country, is the last thing on his mind. Pero wala siyang magawa. Kailangan niya ang pirma ng ama.
Si Beto naman, ang probinsyanang kababata ni Nyel, ay magka-college na rin. Unlike Nyel, her family doesn’t have all the finances dahil hindi naman sila mayaman. Kaya naman tuwang-tuwa ang tatay niyang si Berting nang malamang magiging scholar ito sa college, dahil makakabawas ng malaki sa gastusin. Ang problema—hindi talaga natanggap sa scholarship si Beto. At hindi niya alam kung paano sasabihin sa ama, kaya naman maghahanap siya ng paraan para makapag-ipon ng pang-tuition on her own. Dahil dito, lalapit siya kay Sir Dan, Sr, para bigyan siya ng trabaho sa farm. Kahit anong trabaho, willing siya, dahil laki naman siya sa farm.
Pero magugulat na lang si Beto dahil ang ibibigay sa kanyang trabaho ni Sir Dan ay ang bantayan ang anak nitong si Nyel, Jr. habang nasa probinsya. At first, matutuwa pa siya dahil long-time crush niya talaga ang kababatang ngayon lang ulit umuwi. Pero habang tumatagal, mahihirapan si Beto dahil masama ang ugali ni Nyel—not because he is really bad, but because he’s acting up, dahil nga galit siya sa ama. Mas ikakabwisit din ng lalaki na pinapabantayan pa siya kay Beto.
Dahil sa constant clash nilang dalawa, pareho silang malalayo sa mga goals nila. Halos ayaw na ni Beto makasama si Nyel. Pero kailangan niya ang trabaho para magkaron ng pang-tuition. Si Nyel naman, dahil sa mga nagagawa kay Beto, ay mapapagalitan pa ni Sir Dan, kaya lalong mapapatagal ang pagpirma sa consent.
But somewhere along the way, magbabago ang lahat. Magkakasundo sina Beto at Nyel…Pero kung kelan naman sila magiging okay, lalabas ang ibang problema. Malalaman ni Berting ang tungkol sa pagsisinungaling ni Beto. Si Nyel naman, magkakaroon ng confrontation with his father, and he soon discovers marami pa siyang hindi alam tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang niya.
With everything that’s going on, will this summer still have a happy ending? This is the story of… a wounded, teenage boy forced to spend time with the father he so hates… A father who wants to reconnect with a son who has shut him out of his life…And a clueless, provincial lass who will make it all a bit easier simply by being inlove and by being loved by the boy… Three changed lives…in just one summer.