Sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sumubaybay ang maraming Pilipino sa 24 Oras para manatiling updated at handa sa kalamidad.
Batay sa datos ng Nielsen Philippines NUTAM Rating, nakapagtala ang 24 Oras ng aggregated (GMA at GTV) overnight People rating na 13.9 percent. Patunay ito na ang flagship newscast ng GMA ang pinaka-pinagkakatiwalaan pagdating sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon.
Nagsisilbing kaagapay ng mga Kapuso mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang 24 Oras para sa latest news, breaking stories, at malalaking kaganapan mapa-Pinas man o sa ibang panig ng mundo.
Kaya naman, tutok lang sa award-winning flagship newscast na 24 Oras gabi-gabi para sa latest news and updates.