Hindi naman nakakapagtakang agad na napansin sa Netflix ang Kapuso historical drama na ‘Maria Clara at Ibarra’ simula nang maging available ito sa kanilang streaming platform noong Biyernes (April 14).
Pagkatapos ng 2 araw, April 16, nag-number 1 na ito sa Netflix sa TV shows category sa Philippines. Meron itong total of 52 episodes.
Congratulations, Maria Clara and Ibarra team! The show has successfully risen to the top 10 TV Shows in the PH today. You guys are amazing! The power of this show really makes me so proud! Galing @thedennistrillo @MyJaps @dealwithBARBIE @davidlicauco#MariaClaraAtIbarraOnNetflix pic.twitter.com/lhJUP6wPBh
— 마리야 (@thesalamisim) April 15, 2023
Ang ‘Maria Clara at Ibarra’ ay pinagbibisahan nina Barbie Forteza, David Licauco, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo na napanood sa GMA Telebabad simula October 2022 at nagtapos lang noong February.
Ang ‘Maria Clara at Ibarra’ ay hango sa mga nobela ni José Rizal na ‘Noli Me Tángere’ at ‘El Filibusterismo.’ Sa direksiyon ni Zig Dulay at punong panulat ni Suzette Doctolero, ang istorya ay umiikot sa Gen Z nursing student Klay (Barbie), na walang pakialam sa societal issues aat sa kanyang Jose Rizal subjects sa college. Nang mahuli siya sa pagpapasa ng plagiarized report, si Mr. Torres na kayang professor sa subject ay nagpahiram sa kanya ng librong ‘Noli Me Tangere’ at nang nakatulog siya habang nagbabasa nito, nagising siya na nasa mundo na nina Maria Clara (Julie Anne) at Ibarra (Dennis).
Sa show na ito nakilala ang trending ngayong love team na FiLay nina David Licauco at Barbie Forteza. Ilan na ring awards ang natanggap ng show pati na rin mga artists nito.