An emotional Kim Chiu faced the virtual world of social media yesterday through the #LabanKapamilya FB Live Event.
The actress said sometimes we say things out of anger, out of sadness that we forget who we are. So, when her post on Instagram surfaced, many asked her if she was okay.
Kim shared how simple her life was back in Cebu and how ABS-CBN has turned her life around through Pinoy Big Brother. She was able to support her family through her work with ABS-CBN.
She also questioned NTC’s intention to stop ABS-CBN from operating. Why would they deprive others like her who dream of auditioning for ABS-CBN shows?
She then turned her anger to the trolls and bashers that say unpleasant things about her and other artists as well. She says she doesn’t care at all if they name her as someone deprived of formal schooling, that they are just merely artists.
This was one of Kim’s lengthy posts on her IG account:
https://www.instagram.com/p/B_318pZpUsL/
“Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon. Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila. Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account! Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!!ikinayaman nyo ba yan?!!! Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!! Oo hindi ako graduate ng LAW. Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!! ❤️ nakilala nyo kami dahil napanood nyo kami sa ABSCBN!”
.
“Hindi na kami dapat matakot sa inyo!!!Kailangan na natin magsalita at Ipaglaban ang tahanang nagbigay sa atin ng inspirasyon, ng ngiti sa labi at lumalaban ako ngayon dahil ito ang tahanang naglagay sa akin sa kung nasaan man ako ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa ABSCBN. #hindikamitatahimik #lalabanparasakatotohanan #notoabscbnshutdown.”
“Sana ay tulungan nyo rin po kami MGA KAPAMILYA. #NotoAbsCbnShutdown SA LAHAT NG BUMUBUO NG NTC, kay solgen calida at sa lahat ng may tao sa likod ng cease and desist order sana po ay IBALIK NINYO ANG KARAPATAN NG ABSCBN SA MALAYANG PAMAMAHAYAG.”
“Yesterday was so dark diko alam kung ano ang mararamdaman pag gising ko sa umaga. A lot of kapamilyas were crying, hearts are broken. Hindi lamang sa mga artista kundi sa mga tao sa likod ng camera, sa mga taong sumusubaybay sa bawat palabas ng abs.. Hindi kapani paniwala ang nangyari. Sa gitna ng pinagdadaanan ng lahat ng pilipino ngayon ETO TALAGA ang ibibigay nyo sa amin???!!!”
“Sa panahon na walang kasiguraduhan ang buhay ng bawat tao??! Sa panahon na hindi handa ang lahat sa epidemyang kinakaharap natin ngayon! Sa panahong maraming nawalan ng trabaho?! Sa panahong TAKOT ang nararamdaman ng karamihan! ETO TALAGA ANG IBIBIGAY NYO?! Ang cease and desist order sa abs cbn ng walang kalaban laban??? BAKIT NGAYON?! BAKIT SA gitna ng panahon na wala kaming magawa para sa aming tahanan na noon pa man ay siyang tumulong sa akin, sa amin at sa lahat ng tao na nangangailangan!”
“Sa isang kumpanyang handang tumulong sa bawat pilipino sa bawat kalamidad na pinagdadaanan ng ating bansa?… mapa ondoy, yolanda, taal, COVID19 crisis at marami pang iba. Nasaan ang PUSO AT MALASAKIT??? Nasaan ang pagiging PILIPINO?! Nasaan ang pagkakaisa?!!! pagunawa?!! PAGTUTULUNGAN???!!! Sana naisip nyo rin ang epeketo nito sa mga tao. Ang dami nang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Pag nalift na ang quarantine maraming pamilya parin ang magugutom. Paano sisimulan ang buhay ng bawat empleyadong tinanggalan nyo ng hanapbuhay!!! Mga empleyadong nagbabayad ng tamang buwis! mga Pilipinong tinanggalan nyo ng karapatang lumaban!!! Sana naisip niyo rin naging parte din ng buhay nyo ang ABSCBN. Lumaki kayong nanood ng kapamilya network, nanood ng balita, drama at marami pang iba. Para nyo kaming tinapakan at dinuraan ng paulit ulit. Sa panahon ng ECQ nyo pa talaga ginawa to! Para kang sinaksak sa likod ng taong tinuring mong “KAPAMILYA”. Sa lahat ng namumuno ng NTC??? Bakit!!!? WALANG NILABAG NA BATAS ang ABSCBN. Anong nangyari sa oath nyo nung march2020?! Nakalimutan nyo na? Kay SolGen Calida, nasaan PO ang puso nyo?! PO?! Or should I say may puso pa ba kayo???!!! !!!!!! #NOtoABSCBNshutdown”
https://www.instagram.com/p/B_3zC4jJI7C/
Read Kim Chiu’s full transcribed speech here:
“Magandang gabi mga kapamilya. Una nagtatanong ho kayo kung bakit ako nandito. Kung bakit ako nagsasalita sa mga sinasabi ko. Kung bakit ko na post yung napakahaba kong caption sa Instagram. Minsan kasi sa dala ng galit, sa dala ng lungkot, may nasasabi kang salita na nakakalimutan mong artista ka na pala. Kasi kami bilang artista, nakakulong kami dito sa bahay na wala kaming magawa para sa kompanya na pinagtatrabahuhan namin na tumutulong sa amin. Heto lang ang kaya naming isukli sa mga panahon ngayon. So nung lumabas yung post ko sa Instagram, ang daming nagtatanong. “Kim, okay ka lang, kim okay ka lang?
Ayoko sila silang saguting sabi ko, “sige Kim, burahin mo yung post mo. Hindi ikaw yun.” Sabi ko. “Sandali lang, yun ang nararamdaman ko, yun ang gusto kong sabihin.” Kasi kaya naman nagagliit ang isang tao dahil nasaktan siya, nalungkot siya. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka magagalit.
Uu, nagalit ako pero wala na akong magagawa. Ang tanging magagawa ko lang, is ipaglaban yung tahanang tumulong sa akin ng napakaraming panahon.
Ako naman I am speaking in behalf sa mga taong nangangarap pa. Kasi ako, noon ordinaryong tao lamang ako sa Cebu. Dati, Nangangarap lang ako na gusto ko balang araw na makita ko ang sarili ko sa telebisyon. Gusto ko balang araw maiahon ko pamilya ko sa hirap. So nilagyan ko ng pangarap yung sarili ko na dahil sa estasyon na yon may posibilidad matutulungan ko yung pamilya ko. May posibilidad na makakaalis kamin sa maliit na kwarton na ‘yon. Maiaahon ko sila.
So what more kung sa dami dami ng Filipino na nangangarap. Sa dami ng ordinaryong na nangarap na parang tinanggalan niyo sila ng pag-asa dahil maraming platform ang ABS, meron tayong kahit sa pinakabata. The Voice Kids hanggang sa pinakamatanda, kakanta sila sa tawag ng tanghalan, 40-60 years old. Simula bata hanggang matanda may platform ang ABS para tulungan ang ordinaryong tao.
So, bakit niyo tatanggalan ng pangarap at pag-asa ang isang tao? Bakit niyo tatanggalan ng platform ang tao na gusting gusto ko sumali sa ganito? Kasi baka manalo ako maipapagamot ko lola ko. Gusto kong sumali dun sa contest na yun dahil kapag kung hindi man ako nanalo, may consolation prize ako. Pwede kong ipambili na masarap na pagkain at maiiwan yun na may ngiti “uy nakita ko kayo sa TV. ” Yung saya ng bawat Pilipino na kahit maliit lang pinagkaitan niyo sila ng saya sa panahon na ‘to.
Bakit niyo tatanggalan ng platform ang ordinaryong tao? Kahit nga ordinaryong to na nasa probinsiya . Puwede mag-audition gamit lang ang internet para lang maabot sila para makakanta sa tawag ng tanghalan. Yung mga ganon. Yung mga simpleng bagay, simpleng pangarap na kung para sa ibang tao simple, pero para sa taong yun, isa yun isang bagay na yun na hindi niya makakalimutan buong buhay niya.
So bakit niyo sila lilimitahan? I’m not saying na walang ibang channel na puwedeng salihan ng mga pa-contest ng mga ordinaryong tao. Pero kung mas maraming channel, mas maraming mabibigyan ng pagkakataon lalo na ang ABS na maraming platforms para sa ordinaryong tao.
Kaya kayong mga basher, mga trolls. Kng masasakit na salita yung mga sinasabi niyo sa amin: hindi kami naka graduate, mag artista na lang kami. Wala akong pakialam. Dahil sa trabaho kong to, napatapos ko ng pag-aaral ang apat na kapatid ko. Naalis ko sila dun sa bahay na maliit na nagsisiksikan kami.
Kung nagawa ko, magagawa din yun ng ibang tao sa tulong ng ABS CBN.
Kaya sa NTC, dumudulog kami sa inyo. Na sana bawiin niyo na yung ceast and desist order. Sana hayaan niyo na kaming mamahayag. Sana ibalik niyo na ang ABS CBN. Ako po si Kim Chiu, Kapamilya. Salamat ho”
Kim Chiu is an actress, singer, recording artist, and television host in the Philippines. She is known as the Chinita Princess and was once hailed “Princess of Philippine Movies and TV” for three consecutive years in the Philippines. She is currently managed and under contract to Star Magic, ABS-CBN’s talent management agency.
Kim rose to fame after winning the first teen edition of the reality show Pinoy Big Brother. She then, starred in the television series, Sana Maulit Muli (2007) which won her the year’s Most Promising Female Star and Most Popular love team with Gerald Anderson. This was followed by a string of successful projects and leading roles in dramas such as My Girl (2008), Tayong Dalawa (2009), Kung Tayo’y Magkakalayo (2010), My Binondo Girl (2011–2012), Ina, Kapatid, Anak (2012–2013), Ikaw Lamang (2014), The Story of Us (2016), Ikaw Lang ang Iibigin (2017-2018) and Love Thy Woman (2020).
She has a very wide fanbase from all over the world. She is one of the few Philippine actresses with a high number of best actress accolades under her name.