Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mas mabuting isulat mo ang iyong mga ideasdahil may malaking chance na makalimutan mo ang mga ito.
Love:
Singles: Maging handa ka na lang sa maaaring mangyari ngayong araw para naman walang tao ang magalit sa iyo.
Career:
Huwag mo muna susukuan ang isang bagay, lalo na kung malapit mo na ito matapos. Kapit lang.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 28 4 6 50 25 45
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging okay naman ang araw mo, unless may makalimutan kang gawin at masisira ang mood mo dahil dito.
Love:
Couples: Mukhang makakapagrelax ka naman ngayong araw, basta ba hindi totopakin masyado ang iyong partner.
Career:
Handa mo na gawin sana ang isang bagay, kaso lang, kukulangin ka sa materials para matapos ito on time.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 45 38 22 19 36 51
Gemini (May 21 – Jun 20)
Gawin mo ang lahat para hindi ka malamangan ng iyong karibal. Gawin mo ang iyong best para ikaw ang mapansin nila.
Love:
Couples: Kahit na kulitin mo ang iyong partner, hindi niya sasabihin ang isang bagay lalo na kung nakakahiya talaga ito.
Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, magtanong ka sa iyong mga kaibigan at baka may alam sila.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 29 26 34 6 49 46
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo na bigyan ng effort ang isang bagay, lalo na kung feeling mo ay hindi rin naman ito gagana.
Love:
Singles: Kung merong kang imi-meet na tao ngayong araw, huwag ka masyadong kabahan para hindi ka maging awkward sa kanya.
Career:
Hindi man matuloy ang gusto mo, gawin mo na lang ang best mo para naman maging worth it pa rin ito.
Lucky color: Rainbow
Lucky numbers: 34 48 18 52 7 55
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kahit na hindi mo trip ang inutos sa iyo, kailangan mo pa rin itong gawin para naman makausad ka na.
Love:
Couples: Huwag ninyo munang pilitin na pag-usapan ang isang bagay, lalo na kung medyo awkward pa rin ito sa inyo.
Career:
Mukhang mahihirapan ka na maging motivated ngayong araw lalo na kung nagpuyat ka ulit kahapon.
Lucky color: Baby blue
Lucky numbers: 33 54 8 4 22 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang wala ka masyadong magagawa ngayong araw, lalo na kung sobra kang nagpagod kahapon.
Love:
Singles: Para gumaan ang mood mo, subukan mong patawanin ang ibang tao para naman masiyahan ka rin.
Career:
Kung gusto mo talagang maging successful sa iyong career, ienjoy mo lang ang iyong mga gawain para hindi ka masyadong mastress.
Lucky color: Navy blue
Lucky numbers: 10 37 9 52 48 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang mababadtrip ka sa isang tao ngayong araw at may malaking chance na isa siyang Cancer. Mag-ingat sa kanya.
Love:
Couples: Mag-iimprove din ang status ng relasyon. Take things slow lang at makakaraos din kayo.
Career:
Solusyunan mo na agad ang isang issue ngayong araw para hindi mo na ito problemahin pa bukas.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 11 45 54 21 6 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang mahihirapan ka na mag-adjust sa isang tao lalo na kung marami siyang dinedemand na gawin mo.
Love:
Singles: Huwag kang matakot na maging honest sa isang tao ngayong araw, lalo na kung ito ang magiging dahilan para maging close kayo.
Career:
Maging aware ka sa iyong paligid dahil may malaking chance na merong tao na kumontra sa iyong mga gagawin.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 51 44 9 45 22 54
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka kaagad maniniwala sa maririnig mo dahil may malaking chance na tsismis lang talaga ito.
Love:
Couples: Huwag mo na talakan ang partner mo dahil mas lalo lamang siyang maiinis sa iyo. Huwag mo muna siya gaanong pagalitan.
Career:
Hayaan mo na lang muna ang ibang tao na gawin ang mga trabaho nila. Huwag ka muna makialam.
Lucky color: Dark brown
Lucky numbers: 26 8 33 10 32 36
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo na lamang kulitin ang isang tao ngayong araw, lalo na kung ayaw mong magalit siya sa iyo.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa iyong partner, magtanong ka at huwag ka basta-basta lang maghinala.
Career:
Harapin mo na lamang ang problema mo, kaysa sa takbuhan ito.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 23 10 46 33 21 31
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang hindi agad aayon sa mga plano mo ang mga mangyayari ngayong araw. Habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Love:
Couples: Kailangan mong maging seryoso ngayong araw, lalo na kung may problema kayo na dapat talagang solusyunan.
Career:
Pahalagahan mo ang isang bagay dahil magiging importante ito pagdating ng araw.
Lucky color: Gold
Lucky numbers: 28 38 10 19 31 53
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang makukulitan ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung palagi ka niyang ginugulo bawat oras.
Love:
Singles: Maging totoo ka sa iyong sarili. Huwag ka basta papayag sa isang bagay lalo na kung napipilitan ka lang.
Career:
Huwag kang matakot na gawin ang isang bagay dahil tiyak na may future ka naman rito.
Lucky color: Dark brown
Lucky numbers: 7 9 19 8 35 41