Aries (Mar 21 – Apr 19)
Gamitin mo ang iyong stock knowledge para masolusyunan ang isang bagay ngayong araw. Kailangan mo ring mag-isip nang mabilis.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon, gawin mo ito basta magpaalam ka muna sa iyong mga magulang.
Career:
Gamitin mo ang iyong charm para maimpluwensiyahan mo ang ibang tao ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 39 38 14 1 29 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hayaan mo na lang. Darating din ang araw na pagbibigyan ka niya sa mga gusto mong gawin. Mag-adjust ka na lang muna.
Love:
Couples: Mukhang magiging maganda naman ang araw na ito para sa inyong dalawa, kaya naman ienjoy ninyo lamang ito.
Career:
Huwag ka na muna makisali sa away ng ibang tao para hindi ka madamay rito.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 26 22 32 20 11 38
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may kokontra sa mga gusto mong gawin ngayong araw, kaya naman maaaring mag-away kayo ng kaunti.
Love:
Couples: Huwag kang mahiyang ikwento sa partner mo ang isang pangyayari, kahit na nakakatawa talaga ito.
Career:
Mukhang kailangan mong unahin ang isang bagay para naman sumunod ang iba sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 33 10 48 13 34 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kalimutan mo muna ang problema mo ngayong araw at magfocus ka sa mga bagay na nagbibigay ng saya sa iyo.
Love:
Singles: Kung may lakad ka ngayong araw, ituloy mo lang ito lalo na kung sa tingin mo ay mag-eenjoy ka talaga.
Career:
Okay lang na maging awkward ka ngayong araw, lalo na kung hindi ka talaga sure sa dapat mong gawin.
Lucky color: Rainbow
Lucky numbers: 36 7 8 24 6 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mas mabuting sundin mo na lamang ang sinabi niya sa iyo para naman hindi na rin siya magalit pa.
Love:
Singles: Kung malakas talaga ang hinala mo na meron siyang pagtingin sa iyo, subukan mo siyang hulihin para mapaamin mo.
Career:
Kung may napansin kang maling bagay, sabihin mo ito para naman magawan agad ito ng aksyon.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 48 1 30 11 7 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Alam mo naman ang mga bagay na gusto mong gawin ngayong araw, pero dapat ay unahin mo muna ang mga bagay na importante.
Love:
Singles: Kung masaya ka talaga sa tuwing nakikita mo siya, mas mabuting ipursure mo na siya bago ka pa maunahan ng iba.
Career:
Mukhang may chance na mainis ka sa isang tao ngayong araw lalo na kung palagi ka niyang kukulitin.
Lucky color: Cream
Lucky numbers: 37 20 29 13 33 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung gusto mo talagang ituloy ang isang bagay, gawin mo na ito bago pa maguluhan ang isip mo.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad magiging excited sa isang bagay na ipepresent sa iyo ng isang tao ngayong araw.
Career:
Tumulong ka muna sa gawain ng iba lalo na kung wala ka namang masyadong ginagawa.
Lucky color: Dark brown
Lucky numbers: 18 46 15 5 23 34
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang malapit mo na makuha ang gusto mong bagay, kaya naman habaan mo na lang muna ang iyong pasensiya.
Love:
Singles: Huwag ka muna gumawa ng desisyon sa isang bagay, lalo na kung feeling mo ay hindi ito magugustuhan ng iba.
Career:
Ito na ang chance mo para magpakitang gilas ka sa harap ng ibang tao.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 26 5 10 35 39 38
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Sinusunod mo naman ang mga sinabi sa iyo, pero kung hindi mo talaga feel ito, mas mabuting tanggihan mo na lang muna ito.
Love:
Singles: Huwag mo kalimutang pumunta sa iyong favorite na lugar ngayong araw at baka doon mo na makita ang taong nakalaan para sa iyo.
Career:
Mukhang panahon na para magsimula ka ng bagong career lalo na kung feeling mo ay ito lang ang tanging kasagutan.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 17 19 31 7 16 45
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang masosorpresa ka ng isang tao ngayong araw, pero huwag mo masyadong taasan ang iyong expectations.
Love:
Singles: Makinig ka muna sa iyong kutob ngayong araw dahil may malaking chance na tumama talaga ito.
Career:
Gawin mo ang lahat para maging maganda ang itsura mo ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 27 48 46 39 31 43
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi mo talaga maintindihan ang isang bagay, maaaring kailangan mo na magtanong sa isang eksperto.
Love:
Singles: Kung maghihintay ka pa, maaaring maunahan ka ng iba sa kanya. Mas mabuting umaksyon ka na.
Career:
Huwag mo na hintayin ang ibang tao na kumilos bago mo gawin ang isang bagay.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 20 6 35 45 38 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mong subukan muna ang isang bagay bago mo ito tanggihan, lalo na kung mukhang kaya mo naman ito.
Love:
Couples: Marami pa kayong dapat na matutunan sa isa’t-isa kaya naman importante na nag-uusap talaga kayo.
Career:
Mag-ingat ka ngayong araw para naman wala kang tao na maoffend.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 8 48 22 19 27 1