Aries (Mar 21 – Apr 19)
Galingan mo sa iyong mga gawain ngayong araw para naman marami ang bumilib sa iyo. Panahon na para ipakita mo ang iyong tunay na kakayahan.
Love:
Couples: Kung hindi mo aayusin kaagad ang inyong problema, magiging mas malala lamang ito sa paglipas ng araw.
Money/Career:
Subukan mong makipag-coordinate sa iyongmga kasama para naman hindi ka nasasabihan na loner.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may taong gustong magbigay ng tulong sa iyo, tanggapin mo ito at wala ka namang dahilan para mahiya.
Love:
Couples: Kung stressed ka dahil sa iyong partner, subukan mo munang lumayo sa kanya para naman makapag-isip ka.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka ng magandang offer ngayong araw kaya huwag mo na itong tanggihan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, diretsyuhin mo na siya para naman maging aware siya sa kanyang ginagawa.
Love:
Couples: Subukan mong imotivate ang iyong partner, lalo na kung napapansin mo na tinatamad siya lately.
Money/Career:
Mukhang panahon na para simulan mo ulit ang mga bagay kung saan ka pumalpak.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang mahihirapan ka na tapusin ang iyong mga gawain ngayong araw, lalo na kung merong tao na kulit nang kulit sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang hindi ka aagree sa gusto ng iyong partner, kaya naman ito ang magiging dahilan ng inyong pagtatalo.
Money/Career:
Hindi man maganda ang pagbabago na darating sa iyong trabaho sa umpisa, makikinabang ka naman dito sa huli.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag kang matakot na i-confront ang isang tao ngayong araw, lalo na kung alam mo namang ikaw ang nasa tama.
Love:
Singles: Kaya mo namang iimpress ang kahit na sino, basta magtiwala ka sa iyong sarili. Confidence lang ang kailangan mo.
Money/Career:
Kung hindi ka sang-ayon sa pinapagawa sa iyo, mag-explain ka nang mabuti para naman maintindihan ka nila.
Lucky color: Gold
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may chance na magtagumpay ka sa isang bagay ngayong araw, kaya naman marami ang bibilib sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi ka masaya, huwag mo na pilitin. Parehas lang kayong mahihirapan kung ipagpapatuloy ninyo ito.
Money/Career:
Kung palagi ka nale-late sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng bagong ruta sa iyong pagpasok.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman may chance na marami kang matapos sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung may event kayo na pupuntahan, mas mabuti na pumunta kayo nang maaga para hindi kayo maipit sa traffic.
Money/Career:
Huwag ka na lamang makinig sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung tungkol lang ito sa mga tsismis.
Lucky color: Black
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi ka naman involved sa isang bagay, huwag ka na makisali rito at baka masisi ka pa ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung hindi ka maintindihan ng iyong partner, hayaan mo na lang. Makukuha niya rin ang iyong sinasabi.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa service sectors ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang mahihirapan ka na tapusin ang iyong mga gawain ngayong araw, lalo na kung may taong kontra nang kontra sa mga ginagawa mo.
Love:
Couples: Kung gusto mong lambingin ka ng iyong partner, magsabi ka sa kanya at malay mo naman mapagbigyan ka.
Money/Career:
Huwag ka na malungkot kung hindi nangyari ang inaasahan mo. Tiyak naman na may next time pa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung kaya mong gawin ang favor sa iyo ng isang tao, gawin mo na ito para hindi ka na niya kulitin pa.
Love:
Couples: Kung kailangan mong pagsabihan ang partner mo, gawin mo ito para naman maitama niya ang kanyang mga mali.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na may manabotahe ng iyong mga gawa.
Lucky color: Green
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung problemado ka sa iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong sa isang tao na expert dito.
Love:
Couples: Huwag ka na maging pasaway sa iyong partner at gawin mo na lamang ang sinasabi niya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka ulit ngayong araw kaya naman aaray na naman ang iyong bulsa.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nangako ka sa isang tao, tuparin mo ito. Huwag mong hintayin pa na mawalan siya ng tiwala sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan ka na magdevote ng oras sa iyong partner, lalo na kung masyado kang busy sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Kailangan mo munang magconcentrate sa iyong trabaho para masolusyunan mo ang financial problem mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12