Aries (Mar 21 – Apr 19)
Marami ka pang kailangan na gawin ngayong araw, kaya naman simulan mo na agad ang mga ito para marami kang matapos.
Love:
Singles: Mukhang may chance na may taong makipagflirt sa iyo ngayong araw. May nakikita siya sa iyo na hindi napapansin ng iba.
Money/Career:
Huwag ka na tamarin ngayong araw para naman hindi na dumami pa ang mga nakatambak mong mga gawain.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may chance na puntahan ka ng isang tao ngayong araw, lalo na kung gusto niyang kunin sa iyo ang isang bagay na hiniram mo.
Love:
Couples: Kung kaya mo namang ibigay kaagad ang gusto ng iyong partner, gawin mo ito para mapahanga mo siya.
Money/Career:
I-double check mo ang iyong mga gawain para makasiguro ka na wala kang maling nagawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang hindi naman grabe ang sitwasyon mo sa ngayon, kaya naman makakapagrelax ka pa kahit na papaano.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-level up ninyo ang inyong relasyon, lalo na kung going steady na rin kayo.
Money/Career:
May malaking chance na makatanggap ka ng regalo mula sa iyong best friend sa trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Subukan mong tumaya o sumali sa isang raffle ngayong araw dahil may chance na maging maswerte ka rito.
Love:
Couples: Kung may event na pupuntahan ang iyong partner, subukan mong sumama sa kanya kung pwede naman.
Money/Career:
Kung mas makakatipid na humanap ka ng home-based job, iyon na lang ang kunin mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung matagal mo na ginagawa ang isang bagay pero hindi mo pa rin ito matapos-tapos, marahil ay wala ka talagang talent dito.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner at maaaring makaapekto ito ng malaki sa inyong pagsasama.
Money/Career:
Magtipid ka na muna sa ngayon at huwag ka muna pumatol sa mga nakikita mong sale online.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na wala ka masyadong experience sa isang bagay, magagawa mo pa ring magtagumpay rito dahil sa iyong diskarte.
Love:
Couples: Huwag ka na mag-alala sa iyong partner. Tiyak naman na alam niya ang kanyang ginagawa kaya magtiwala ka na lang.
Money/Career:
Kung hindi mo masyadong feel ang iyong trabaho, subukan mong magtanong sa iyong mga kaibigan at baka may alam sila na pwede mong lipatan.
Lucky color: Black
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Sabik kang gawin ang isang bagay kasama ang iyong kaibigan. Pero huwag ka masyadong ma-excite at baka hindi ito matuloy.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa tao na walang pagtingin sa iyo. Ilaan mo na lamang sa iba ang iyong atensiyon.
Money/Career:
Mag-iimprove din ang iyong finances pero sa ngayon, magtipid-tipid ka muna.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Naiintindihan mo naman ang iyong sitwasyon, pero nahihirapan ka na magstick sa paraan na naiisip mo.
Love:
Singles: Magfocus ka na lamang sa mga tao na nagbibigay ng oras para makinig sa iyo. Sila dapat ang pinapahalagahan mo.
Money/Career:
Mukhang may chance na may matulungan kang tao na makahanap ng trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang magpadalos-dalos ngayong araw, dahil may chance na mabigla ka sa magiging reaksyon ng iyong kaibigan.
Love:
Singles: Huwag mo na lamang pakialaman ang problema ng ibang tao, lalo na kung tungkol ito sa kanilang love life.
Money/Career:
May chance na may makuha kang pera ngayong araw, kaso may chance din na maubos mo ito kaagad.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung kaya mo namang pagbigyan ang request ng iyong kaibigan, gawin mo ito para hindi ka na niya kulitin pa.
Love:
Couples: Tulungan mo na ang partner mo sa kanyang problema, lalo na kung nakikita mo na hindi niya talaga kaya.
Money/Career:
Mukhang may chance na magtalo kayo ng iyong kasama lalo na kung hindi ka payag sa gusto niyang gawin.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Hindi mo kailangang mag-isa. May mga kaibigan ka na handang sumuporta sa iyo kahit na medyo weird ka mag-isip.
Love:
Couples: Kung medyo boring ang inyong relasyon, subukan mong inisin ang iyong partner para naman makita mo ang magiging reaksyon niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na mahiya. Kaya mo naman gawin ang isang bagay kaya ito na ang chance mo para ipakita ang galing mo sa iba.
Love:
Singles: Mukhang may taong magkakagusto sa iyo, pero mag-ingat ka lang dahil may chance din na taken na siya.
Money/Career:
Kung hindi maganda ang takbo ng iyong career, subukan mong magsimula ulit para maging fresh ang iyong pag-iisip.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 15