Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong hayaang mauto ka ng isang tao ngayong araw. Huwag kang magpapadala sa pagiging charming niya.
Love:
Couples: May chance na hindi matuloy ang lakad ninyo ng iyong partner, kaya mas mabuting manatili na lamang sa bahay.
Money/Career:
Huwag kang matakot na magtanong sa iba lalo na kung hindi mo talaga maintindihan ang isang bagay.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may nakita ka na problema, solusyunan mo na ito kaagad para hindi na ito lumaki pa at baka mahirapan ka lang sa huli.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-date mo ang iyong partner, lalo na kung hindi na kayo masyadong nakakapaglaan ng mahabang oras sa isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag mo muna bilhin ang isang bagay, lalo na kung hindi mo naman ito agad kailangan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may plano kang simulan na bagay ngayong araw, gawin mo na agad ito bago ka pa tamarin dito.
Love:
Singles: Aminin mo na kasi sa isang tao na meron kang pagtingin sa kanya, para malaman mo kung may pag-asa ka ba o wala.
Money/Career:
Marami ang makikinig sa iyo ngayong araw, kaya naman tataas ang confidence mo sa iyong sarili.
Lucky color: Green
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Okay lang naman na maging masipag ka, pero huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili at baka hindi ito kayanin ng iyong katawan.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner ngayong araw. Iwasan mong mabigla sa mababalitaan mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring maging moody ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting umiwas ka na lang sa mga taong makukulit para hindi ito matrigger.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong isipin ang isang problema, lalo na kung madali lang naman ang solusyon para rito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo muna gawin ang isang bagay lalo na kung hindi pa ito masyadong nasusubukan. Magdalawang-isip ka muna.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo na ang taong nakalaan sa iyo ngayong araw, kaya naman magmasid-masid ka sa iyong paligid.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo sosolusyunan agad ang isang bagay, mas lalo ka lang mahihirapan na ayusin ito kapag lumaki ito.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano mo siya kamahal. Huwag mo lang palagi idaan sa text o chat ito.
Money/Career:
Hindi maiiwasan na may mga taong maiinggit sa iyong kakayahan.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Sundin mo ang ibibigay na advice sa iyo ng iyong kaibigan ngayong araw dahil may chance na maging tama ito.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring may 3rd party na dumating at sumira sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung meron kang kakilala na nagtatrabaho abroad, maaaring magkaroon ka ng chance na magkapagwork din doon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring maging busy ka ngayong araw dahil may malaking chance na magkaroon ka ng maraming bisita sa inyo.
Love:
Singles: Huwag mong kalimutan na maglaan ng panahon sa iyong pamilya, lalo na kung naging busy ka talaga lately.
Money/Career:
Ibigay mo lagi ang best mo sa iyong mga gawain para naman walang masabi sa iyo ang ibang tao.
Lucky color: Cream
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gawin mo na agad ang mga bagay na iuutos sa iyo para matapos mo ito kaagad at hindi ka matambakan ng trabaho.
Love:
Singles: Bago mo iapproach ang taong gusto mo, siguraduhin mo muna na alam mo ang sasabihin sa kanya.
Money/Career:
I-enjoy mo lang ang trabaho mo para naman hindi ka makaramdam ng stress dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maging confident ka lamang sa iyong mga gawain para naman maging maganda ang resulta ng mga ito.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner, kaya naman pwede mo ito gamitin para ipang-asar sa kanya.
Money/Career:
Kung may balak kang magresign sa iyong trabaho, gawin mo ito lalo na kung may offer sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang mahihirapan ka na kontakin ang isang tao ngayong araw. Sa kanya ka pa naman umaasa ng malaki.
Love:
Couples: Kung may problema kayong dalawa, pag-usapan ninyo ito. Huwag ninyong idaan ito sa dedmahan.
Money/Career:
May chance na hindi ka tatamarin ngayong araw kaya naman marami kang matatapos na mga gawain.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 21