Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mong hangaan ka ng ibang tao, dapat ay mabilis kang mag-isip para naman masolusyunan mo agad ang mga problema.
Love:
Couples: Kung may problema ang partner mo, mas mabuting tulungan mo siya para hindi na siya mastress pa.
Money/Career:
Gamitin mo ang mga natutunan mo sa iyong mga gawain para hindi ka na masyado magkamali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang mahiyang magtanong sa ibang tao, lalo na kung hindi mo talaga kabisado ang isang bagay.
Love:
Couples: Mukhang may chance na hindi matuloy ang inyong lakad kaya huwag ka masyadong ma-excite.
Money/Career:
Iwasan mong sabihin sa iba ang iyong nalaman para naman meron kang advantage sa kanila.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 21
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magfocus ka sa iyong mga gawain, para naman hindi ka madelay sa mga ito. Sasakit lang ang ulo mo kapag hindi mo pa ito aasikasuhin.
Love:
Singles: Huwag ka matakot na magmahal muli. May matututunan ka naman sa mga maling desisyon na magagawa mo.
Money/Career:
Kung may balak kang mag-invest sa isang bagay, gawin mo na ito ngayon lalo na kung may nag-offer sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit na naman ang ulo ng mga taong makakasama mo.
Love:
Singles: Subukan mong i-treat sa isang dinner ang taong nagugustuhan mo para naman makilala mo pa siya.
Money/Career:
Kung kaya mo pang tumanggap ng extrang trabaho, gawin mo ito para naman may extra ka ring pera.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Bago mo gawin ang isang bagay, dapat ay pinag-isipan mo itong mabti para naman maiwasan mong magkamali.
Love:
Couples: Maging honest ka na lamang sa iyong partner para hindi na siya magduda sa mga kinikilos mo.
Money/Career:
Kahit na gusto mo munang magpahinga, masyado ka maraming bagay na dapat asikasuhin at tapusin.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Subukan mo munang magtanong sa ibang tao tungkol sa iyong ideya at baka may masabi sila sa iyo na mapapakinabangan mo.
Love:
Singles: Hindi mo naman kailangang tumingin sa malayo dahil nasa malapit lamang ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Tumawa ka naman para mabawasan ang iyong stress dulot ng iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Tuparin mo ang ipinangako mo sa ibang tao. Huwag ka na tamarin at gawin mo na ito para hindi siya magtampo sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo na kontrahin ang partner mo sa kanyang gustong gawin. Hayaan mo muna siya.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, dapat ay maging mabait ka sa kanila para naman hindi sila palaging ilang sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Gawin mo lang ang best mo palagi para naman maging maganda ang impression mo sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng bagong crush ngayong araw, kaya naman huwag kang mahiyang lumapit sa kanya.
Money/Career:
Matatanggap mo rin ang perang inaasam mo kaya naman huwag ka na masyadong mainip.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka muna pumunta sa isang malayong lugar, lalo na kung alam mo namang kakapusin ka sa iyong budget.
Love:
Singles: Nasa malapit lang ang taong gusto mo, pero hindi mo sigurado kung paano ito sasabihin sa kanya.
Money/Career:
Huwag mo na utuin ang isang tao para lamang gawin niya ang mga inutos sa iyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi ka makakamove-on sa buhay kung palagi mo na lamang iniisip ang nakaraan. Mag-let go ka para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong pahirapan ang iyong partner. Pagbigyan mo na lang siya para matapos na lang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang business.
Lucky color: Purple
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka muna makipag-away ngayong araw para hindi na masira ang mood mo. Mas mabuting umiwas ka na lang.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutan na sabihin ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Magpakitang-gilas ka sa iyong boss para naman may chance na mabigyan ka niya ng bonus.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nahihirapan ka sa isang gawain, subukan mong humingi ng tulong sa iyong kaibigan na wala naman masyadong ginagawa.
Love:
Couples: Kung masyado kang sweet sa isang tao, may chance na magselos dito ang iyong partner at maaaring magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 19