Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maging masaya ka na lamang para sa ibang tao. Huwag ka na maging bitter dahil makakasama lamang ito sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutan na balitaan ang iyong partner sa mga nangyari sa iyo, para naman makarelate siyang mabuti sa mga ginagawa mo.
Money/Career:
Mukhang kailangan mo munang magrelax at alisin muna ang iyong trabaho sa iyong isipan.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang hindi mo magugustuhan ang magiging resulta ng isang bagay ngayong araw, pero wala kang magagawa kundi ang mag-adjust.
Love:
Singles: Kahit na gusto mong gumala, may mga bagay ka pang dapat na gawin kaya unahin mo muna ang mga bagay na importante.
Money/Career:
Subukan mong lawakan pa ang iyong mga koneksyon para naman gumanda ang status ng iyong career.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makinig ka sa problema ng iyong kaibigan. Bigyan mo rin siya ng advice dahil doon ka naman talaga magaling.
Love:
Couples: Huwag ka muna magreact sa isang bagay lalo na kung hindi ka naman sigurado na totoo ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong self-employed.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may gusto kang subukan ngayong araw, pero gawin mo lang ito kung meron kang kasama na willing din na subukan ito.
Love:
Couples: Alalayan mo muna ang iyong partner, lalo na kung hindi pa niya kayang mag-adjust para sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may balak pumasok sa isang investment.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna makipagtalo ngayong araw, dahil may chance na ikaw ang mali at baka mapahiya ka lang sa huli.
Love:
Couples: Handa ka na bang ilevel-up ang inyong relasyon? Kung oo, sabihin mo ito agad sa iyong partner para mapaghandaan ninyong dalawa.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, humingi ka ng second opinion bago ka maglabas ng pera.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang handa ka na para gawin ang isang bagay. Kung marami kang alam tungkol dito, mas madali mo itong matatapos.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay maghanap ng love life. Magfocus ka muna sa iyong sarili.
Money/Career:
Huwag mong maliitin ang ibang tao dahil makakatulong din sila sa iyo balang-araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang magpapaistorbo sa ibang tao, lalo na kung meron kang importanteng gawain. Magfocus ka rito para hindi ka magkamali.
Love:
Couples: Iwasan mo na ang pagiging pasaway sa iyong partner. Huwag mong hintayan na maubusan siya ng pasensiya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa law ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung masyadong pagod ang iyong katawan, magpahinga ka na lamang sa inyong bahay at huwag mo na balakin pang umalis.
Love:
Couples: Kung medyo bored ka na sa inyong relasyon, dapat ay gumawa ka na ng paraan para maayos ito.
Money/Career:
Kung gusto mong magresign sa iyong trabaho, pag-isipan mo muna itong mabuti dahil baka mahirapan kang maghanap ng bago.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka muna makisali sa problema ng ibang tao, dahil may chance na madamay ka rito kahit wala ka namang ginagawang masama.
Love:
Couples: Huwag mo na pagdudahan ang mga desisyon ng iyong partner. Suportahan mo na lamang siya para hindi na kayo mag-away.
Money/Career:
Kung ikaw ay nasa trabaho, huwag lang lagi puro si crush ang nasa isip. Magfocus ka para hindi ka mapagalitan.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may bagay na gugulo sa isip mo ngayong araw. Hindi naman ito grabe pero tiyak na maiirita ka rito.
Love:
Singles: Mukhang may chance na umulan nang malakas ngayong araw kaya naman huwag na malungkot kung hindi ka matuloy sa iyong lakad.
Money/Career:
Humingi ka ng tulong sa isang professional lalo na kung nahihirapan ka sa iyong napiling career.
Lucky color: Rose
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumala ngayong araw. Sulitin niyo ito para naman mawala ang iyong stress.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masaya sa inyong pagsasama, marahil ay panahon na para tuldukan ninyo ito.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong gawain, may mga pagkakataon pa rin na tatamarin ka sa paggawa ng mga ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka kayang intindihin ng ibang tao, mas mabuting huwag ka na lamang mag-explain sa kanila para hindi na sumakit ang iyong ulo.
Love:
Singles: Makinig ka sa sinasabi sa iyo ng ibang tao. Marahil ay may point naman sila kaya i-consider mo ang mga sasabihin nila.
Money/Career:
Mukhang may chance na sipagin ka ngayong araw at matapos mo ang mga gawain na dapat ay kahapon mo pa natapos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15