Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magiging maganda ang araw na ito para sa iyo. May malaking chance na meron kang kaibigan na manlilibre sa iyo.
Love:
Couples: Kung may gagawin ka, ipaalam mo ito sa iyong partner lalo na kung kailangan mong pumunta sa malayo.
Money/Career:
Naiintindihan ka naman ng iyong boss tungkol sa iyong problema, pero kailangan mo pa ring mag-adjust.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na mapagalitan ka dahil sa papalpak ka sa isang gawain.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Subukan mo siyang itreat sa kanyang favorite na resto.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya, lalo na kung hindi mo talaga kayang kontrolin ang isang sitwasyon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Marami ka pang dapat na gawin, kaya naman kumilos ka na para naman matapos ka kaagad at magkaroon ng oras para makapagpahinga.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para aminin mo sa isang tao ang iyong nararamdaman para sa kanya. Kaya mo iyan.
Money/Career:
Kung satisfied ka naman sa status ng iyong career, hindi mo na kailangan pang maghanap ng sideline.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may malaking chance na muli mong makita ang isang tao na ayaw na ayaw mong makasalubong sa daan.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, mag-isip na agad kayo ng ways kung paano ninyo mapapatatag ang inyong samahan.
Money/Career:
Kung maganda naman ang job offer sa iyo, tanggapin mo na ito kahit medyo malayo ito.
Lucky color: cream
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung marami kang mga bagay na hindi na masyadong nagagamit, marahil ay panahon na para idonate mo na ito sa iba.
Love:
Couples: Ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Huwag mo lang palagi daanin sa salita.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng magandang advice mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang marami kang matututunan sa isang tao ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Love:
Couples: Mukhang maganda ang araw na ito para bigyan mo ng regalo ang iyong partner. Gawin mong special ang araw na ito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magfocus sa crush mo kapag nasa oras ka ng trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Makinig ka muna sa sinasabi ng iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Kung marami kayong similar interests, marami rin kayong mapagkakasunduang mga bagay. Mas madali ninyo mauunawaan ang bawat isa.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na maloko ka ngayong araw, kaya huwag ka basta-basta magpapadala sa salita ng iba.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magiging okay naman ang araw mo ngayon. Magiging kalmado ang lahat kaya naman makakapagfocus ka nang mabuti sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang may susubukang bago ang iyong partner ngayong araw, kaya huwag mo siyang pagtawanan sa magiging choices niya.
Money/Career:
Intindihin mo kasi ang sinasabi sa iyo ng ibang tao para hindi ka magkamali.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Panahon na para ipakita mo sa ibang tao kung ano ba talaga ang kaya mo. Huwag mong hayaang maliitin ka nila.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo aayusin ang inyong mga problema, tiyak na magiging malala lang ito sa huli.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang pera ngayong araw, kaya naman mabibili mo na ang bagay na gusto mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na hindi maganda ang sitwasyon mo sa ngayon, subukan mo pa ring maging positive at ngumiti para naman mabawasan ang bigat sa iyong dibdib.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin sa malayo, dahil ang taong nakalaan sa iyo ay nasa malapit lamang. Talasan mo ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Ayusin mo nang maiigi ang iyong mga gamit para madali mong makita ang mga bagay na kakailanganin mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron sa iyong ibibigay na bagong proyekto, pag-aralan mo itong mabuti para naman hindi ka mapahiya sa iba.
Love:
Couples: Naiintindihan ka naman ng iyong partner kung palagi kang busy. Pero sana ay kinakamusta mo pa rin siya kahit na papaano.
Money/Career:
Huwag ka na mag-effort mag-explain sa isang taong hindi naman marunong tumanggap ng pagkakamali.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may bagay na bumabagabag sa iyo, ikwento mo ito sa iyong mga close friends at baka may maipayo silang maganda sa iyo.
Love:
Couples: Mag-explain ka kasi nang mabuti sa iyong partner, lalo na kung naghihinala siya sa iyong mga ginagawa.
Money/Career:
Kung gusto mo na umalis sa iyong trabaho, gawin mo ito lalo na kung wala ka namang pagsisisihan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3