Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo masyadong pahirapan ang iyong sarili. Kung ginawa mo naman ang lahat ng iyong makakaya, makuntento ka na lamang sa naging resulta nito.
Love:
Singles: Kung meron kang balak na makipagdate, siguraduhin mo na prepared ka para naman hindi ma-turn off sa iyo ang tao.
Money/Career:
Kung hindi ka naman naaappreciate ng ibang tao sa mga nagawa mo, marahil ay panahon na para iwan mo na lang sila.
Lucky color: Black
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Gamitin mo ang pagiging charming mo para humingi ng favor sa isang tao lalo na kung siya lang ang makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Kilalanin mo munang mabuti ang isang tao bago mo siya husgahan para naman hindi ka mapahiya sa huli.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng guidance sa iyo mga boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo sigurado kung anong desisyon ang kailangan mong gawin, mas mabuting hingin mo ang opinyon ng ibang tao.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya kahalaga para sa iyo.
Money/Career:
May chance na makatanggap ka ng isang magandang advice mula sa taong iniidolo mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maganda ang araw na ito para simulan ang isang bagay na bago para sa iyo. Marahil ay maging magaling ka rito.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng chance na maging close sa isang tao na talaga namang nagugustuhan mo.
Money/Career:
Makakaisip ka ng solusyon sa iyong problema kaya naman gawin mo na agad ito para hindi ka na mahirapan pa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo agad ito lalo na kung makakatulong talaga ito ng malaki sa iyo.
Love:
Couples: Okay lang naman na ishare mo ang ilan sa iyong mga sikreto sa iyong partner, lalo na kung makakagaan ito ng iyong pakiramdam.
Money/Career:
Magiging maayos din ang lahat sa huli kaya naman huwag ka na masyadong mag-alala pa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Wala namang masama na subukan mo ang isang bagay lalo na kung tested naman ito ng ibang tao. Huwag ka matakot na magtry.
Love:
Couples: Kung hindi ka sigurado sa gusto mong gawin sa inyong relasyon, huwag ka muna gumawa ng hakbang at mag-observe ka muna.
Money/Career:
May malaking chance na iwan mo ang iyong trabaho, lalo na kung hindi na sapat ang kinikita mo rito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mo munang magrelax ngayong araw. Kung palagi ka na lamang stressed, mas lalo kang mahihirapang umisip ng solusyon sa iyong problema.
Love:
Couples: Kung meron kayong problema, pag-usapan ninyo itong mabuti at huwag ninyong daanin sa pakiramdaman ang lahat.
Money/Career:
Nasa iyo ang kakayahan para maging successful sa iyong career. Kailangan mo lang na magtiwala sa iyong sarili.
Lucky color: Cream
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mag-isip ka munang mabuti tungkol sa isang bagay lalo na kung meron itong kinalaman sa pera. Huwag ka basta-basta gumawa ng desisyon.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao. Pero kung gagawin mo ito palagi, malaki ang chance na walang sumeryoso sa iyo.
Money/Career:
Panahon na para ipakita mo sa iyong mga kasama na kaya ka nilang pagkatiwalaan sa kanilang mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Iwasan mo munang makipag-away sa araw na ito, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong mood buong araw.
Love:
Singles: Mas makakabuti kung aayusin mo muna ang problema sa iyong mga gawain para hindi na mag-alala sa iyo ang iyong pamilya.
Money/Career:
Maging maingat ka sa iyong mga gawain ngayong araw dahil may malaking chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong mga kaibigan. Makakatulong din ito para matanggal ang stress mo sa katawan.
Love:
Couples: Huwag mo basta husgahan ang iyong partner dahil lamang sa iyong narinig mula sa ibang tao. Alamin mo muna ang totoo sa kanya.
Money/Career:
Maging handa ka ngayong araw dahil may malaking chance na hindi mo kayanin ang darating na sorpresa sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mas mabuti kung susunod ka na lamang sa agos kaysa sa kontrahin mo ang isang bagay. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili.
Love:
Singles: Sundin mo ang ibibigay na tips sa iyo ng iyong mga kaibigan lalo na kung gusto mo na talagang magkaroon ng love life.
Money/Career:
Kung gusto mo talaga ang iyong trabaho, magiging mas malaki ang chance na maging successful ka rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong hayaang tamarin ka sa araw na ito. Tandaan mo na marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka na agad.
Love:
Singles: Kung may point naman ang sinasabi sa iyo ng isang tao, sundin mo na lamang siya para hindi ka na nasasabihan na pasaway.
Money/Career:
Pag-isipan mo munang mabuti kung may balak kang gumastos sa isang bagay ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12