Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung merong bagay na gumugulo sa iyo, pwede mo itong ikwento sa mga taong malapit sa iyo para naman gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, gumawa na kayo ng paraan kung paano ninyo mapapatibay ang inyong samahan.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, hindi maiiwasan na may mga taong mainggit sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring madelay ang iyong mga gawain ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi mo naman ito kasalanan.
Love:
Couples: Mahalaga na hindi mo pairalin ang iyong pagiging pasaway ngayong araw. Sumunod ka muna sa sasabihin ng iyong partner.
Money/Career:
Kung may balak kang pumasok sa isang investment, gawin mo ito lalo na kung pamilyar ka naman dito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Bago ka magcommit sa isang bagay, siguraduhin mo muna na hindi ka aatras sa huli para hindi ka maging paasa sa iba.
Love:
Couples: Maaaring sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw, kaya naman maghanda ka para rito.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring mawala ang tiwala ng ibang tao sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maganda ang araw na ito para ipakita mo sa ibang tao ang iyong natatagong talento. Panahon na para i-share mo ito sa iba.
Love:
Couples: Kung handa na kayong pareho, marahil nito na ang tamang panahon para i-level up ninyo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Kung nakakatanggap ka ng tulong mula sa ibang tao, huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanila.
Lucky color: Rose
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may malalaman ka man ngayong araw, mas makakabuti kung huwag mo muna ito ipagkalat sa ibang tao.
Love:
Singles: Hindi mo ito inaasahan pero may malaking chance na may taong lumapit sa iyo at magpakilala sa iyo.
Money/Career:
Hindi ito ang panahon para sayangin mo ang oras mo sa mga bagay na hindi naman masyadong importante sa iyong trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Panahon na para ipakita mo sa ibang tao kung saan ka talaga magaling. Maaaring pagkakitaan mo rin ito balang araw.
Love:
Couples: Hindi kayo mahihirapan sa inyong relasyon kung naiintindihan ninyo ang isa’t-isa. Habaan ninyo rin ang inyong pasensya.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain dahil may malaking chance na magkamali ka rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Dapat ay marunong kang tumanggap ng criticism na galing sa ibang tao para naman ma-improve mo ang iyong sarili.
Love:
Singles: Ang taong nakatadhana para sa iyo ay nasa malapit lang, kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Maging honest ka sa iyong trabaho para hindi ka mapahamak sa iyong mga gawain.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mo munang magseryoso ngayong araw, lalo na kung gusto mo talagang bumilib sa iyo ang ibang tao.
Love:
Couples: Importante na sinasabi mo sa iyong partner kung gusto mo ang isang bagay o hindi para hindi na siya manghula pa.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng magandang advice sa isang tao, kaya naman sundin mo ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo ubusin ang iyong mga naipon sa isang araw. Dapat ay matuto kang tipirin ang iyong pera para hindi ito maubos kaagad.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon ng problema sa inyong pamilya, kaya naman mas mabuting gawan mo na ito ng aksyon.
Money/Career:
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, kaya naman marami ang maiinggit sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May taong magagalit sa iyo ngayong araw at may malaking chance na kasalanan mo talaga ito. Ingatan mo ang iyong mga salita next time.
Love:
Couples: May chance na malito ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw, kaya naman mas mabuti kung magmamatiyag ka muna.
Money/Career:
Kahit na boring ang iyong mga ginagawa, mas mabuti kung tatapusin mo ang mga ito nang mas maaga.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag kang magalit agad sa isang bagay, lalo na kung wala namang solid na basehan rito. Ikaw lang ang magmumukhang masama sa huli.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Gawin mo ang lahat para kiligin siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging positive ka ngayong araw, kaya naman magiging maganda rin ang iyong mood agad-agad.
Love:
Couples: Huwag mong iignore ang iyong partner. kahit na busy ka, dapat ay nakakapaglaan ka pa rin ng panahon para kausapin siya.
Money/Career:
Huwag ka muna bumili ng mga bagong bagay sa ngayon at magtipid-tipid ka muna.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29