Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang kailangan mo na kumilos kaagad para naman maaskyunan mo na ang isang bagay lalo na kung nagdudulot ito sa iyo ng problema.
Love:
Couples: Kung magpapadala ka sa stress, mag-aaway lamang kayo ng iyong partner. Matutong magrelax at habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Tanungin mo muna ang iyong pamilya lalo na kung meron kang plano na lumipat ng ibang trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna gumawa ng mga mabibigat na desisyon ngayong araw, dahil may chance na sumabit ka sa mga ito.
Love:
Couples: Bigyan mo ng space ang iyong partner. Huwag ka palaging umaaligid sa kanya dahil maiinis lang siya sa iyo.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, maaari kang swertehin ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na magkaroon ka ng allergy dahil sa iyong pwedeng makain.
Love:
Singles: Mukhang nakamove on ka na talaga sa iyong nakaraan at handa ka na para magmahal muli ng iba.
Money/Career:
Mukhang may taong magbabayad sa iyo ngayong araw kaya naman magkakaroon ka ng extrang pera.
Lucky color: Green
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang meron kang kaibigan na hindi maganda ang mood, kaya may chance na hindi maging maayos ang kanyang pananalita.
Love:
Singles: Sundin mo kung ano ba talaga ang gusto mo. Huwag ka na magpadikta pa sa sasabihin ng ibang tao.
Money/Career:
Mukhang may chance na tumaas ang iyong salary lalo na kung talagang masipag ka sa trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Gawin mo kaagad ang mga bagay na iuutos sa iyo. Iwasan mo na maging tamad para hindi ka na mapagalitan pa.
Love:
Couples: Mas lalo lamang lalala ang problema kung hindi ninyo ito pag-uusapan. Huwag na kayo mahiya sa isa’t-isa.
Money/Career:
Bawas-bawasan mo muna ang paggastos mo sa mga bagay na pwede namang ipagpaliban muna.
Lucky color: Brown
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Siguraduhin mong hindi ka magkakamali sa iyong mga gagawain ngayong araw, para naman hindi masayang ang efforts mo.
Love:
Couples: Huwag mo na pahirapan pa ang iyong partner. Dapat ay marunong ka ring mag-adjust para sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na maging energetic ka ngayong araw, kaya naman marami kang bagay na matatapos.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Iwasan mong maging mainitin ang ulo ngayong araw para hindi na sumama pa ang mood mo. Magrelax ka na lang muna.
Love:
Couples: Kung may gusto kang itanong sa iyong partner, ayusin mo ang pakikipag-usap sa kanya para hindi siya mabigla.
Money/Career:
Mukhang magaling ka naman sa napili mong career, kaya mas maganda kung magiging consistent ka na lamang dito.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maging mapanuri ka sa mga taong makakasama mo ngayong araw at malalaman mo kung sino talaga sa kanila ang may concern sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para aminin mo sa isang tao na meron kang pagtingin sa kanya.
Money/Career:
Mukhang makukuha mo ang perang nawala mo dati, kaya naman hindi ka na gaano maiistress.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang naman kung mamalasin ka paminsan-minsan. Makakatulong din ang mga ito para marealize mo ang iyong mga pagkakamali.
Love:
Couples: May malaking chance na magiging moody ang iyong partner ngayong araw, kaya huwag mo na muna siya kulitin.
Money/Career:
Pwede mong regaluhan ang isang tao ngayong araw lalo na kung gusto mong makabawi sa kanya.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Iwasan mo munang makipagtalo kahit na kanino ngayong araw, para naman hindi na masira pa ang iyong mood.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner.
Singles: Pumunta ka sa isang event at maaaring makita mo run ang taong hinahanap mo.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang trabaho, may chance na kontakin ka nila ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mong magvolunteer sa isang bagay ngayong araw, para naman hindi ka palaging umaasa sa ibang tao.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng taong magmamahal sa iyo, dapat ay matutunan mo munang mahalin ang iyong sarili.
Money/Career:
Kung meron kang interview na paparating, dapat ay magsuot ka ng puti sa mismong araw na iyon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging active ang iyong isipan ngayong araw, at maaaring malito ka kung ano sa mga naiisip mo ang iyong uumpisahan.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para itreat mo ang iyong partner. Pwede mo rin siyang ipagluto ng kanyang fave na ulam.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagbyahe ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16