Aries (Mar 21 – Apr 19)
Gawin mo ang isang bagay lalo na kung may magandang dulot nman ito sa iyo. Huawg mong kalimutan na mag-oberbaha muna as umpisa.
Love:
Couples: Maaaring may malaman kang bago tungkol sa iyong partner. Huwag ka masyadong mag-alala dahil maganda naman ito.
Money/Career:
Huwag mong hayaan na magtry ka ng isang solusyon na wala pang napapatunayan kung uubra o hindi.
Lucky color: Cream
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung ikaw ang unang kikilos, ikaw kaagad ang unang makikinabang kung may idudulot ito sa iyo.
Love:
Couples: Kung may balak kayo na maglive-in na lang muna, gawin ninyo ito lalo na para malaman kung magtatagal nga kayo.
Money/Career:
Huwag kang magpabaya sa iyong trabaho lalo na kung ayaw mong malugi at mawalan kaagad ng pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Masyadong mabilis ang mga nangyayari at kung hindi mo bibilisan, tiyak na magpag-iiwanan ka talaga.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutan na makipag-usap sa iyong partner, lalo na kung may bagay na sadyang gumugulo sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gumagawa ng kanilng research.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Okay lang naman na magsaya ka, pero siguraduhin mo muna na natapos mo na ang iyong mga gawain para hindi ka mapagalitan.
Love:
Singles: Sumama ka sa mga lakad ng iyong barkada lalo na kung gusto mong mawala ang stress na nararamdaman mo lately.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong sasabihin dahil maaaring meron kang ma-offend na tao.
Lucky color: Brown
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo kaagad husgahan ang iyong kapwa lalo na kung hindi mo pa naman alam ang buong kwento.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa iyong pamilya, ayusin mo muna ito at tiyak naman na tutulungan ka ng iyong partner.
Money/Career:
Okay lang na humingi ka ng tulong sa ibang tao, pero huwag lang aabot sa point na namimilit ka na.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May malaking chance na maging busy ka sa araw na ito lalo na kung ikaw lang ang gumagawa nang maayos sa inyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong partner sa isang romantic na dinner. Huwag mong kalimutang pakiligin siya.
Money/Career:
Mukhang panahon na para magkaroon ng pagbabago sa iyong career. Kung may darating na chance para sa iyo, kunin mo na ito kaagad.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gamitin mo ang iyong charm para mapilit ang isang tao na gawin ang isang bagay na talang gusto mo.
Love:
Couples: Kung hindi ka pa handa para ilevel up ang inyong relasyon, huwag mo na pilitin pa ang iyong sarili.
Money/Career:
Huwag ka na masyadong magpagod sa iyong trabaho. Ayusin mo na lamang ang iyong mga gawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka basta-basta gumastos sa isang bagay. Tiyakin mo muna na kailangan mo talaga ito bago mo ito bilhin.
Love:
Singles: Meron kang taong nagugustuhan pero hindi mo pa rin kayang sabihin na meron kang pagtingin sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang pera mula sa isang tao ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo basta huhusgahan ang mga taong hindi mo naman masyadong kilala. Alamin mo muna ang buong kwento para maging patas ka.
Love:
Couples: Mukhang masyadong stressed lately ang iyong partner, kaya naman gumawa ka ng paraan para mabawasan ito kahit na papaano.
Money/Career:
Kung may balak kang umalis sa iyong trabaho, ayusin mo na ang mga papeles mo para makalipat ka kaagad.
Lucky color: Green
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maging honest ka sa iyong sarili. Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman gusto.
Love:
Couples: May malaking chance na sorpresahin ka ng iyong partner sa araw na ito. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, huwag kang mahiyang magtanong sa ibang tao kung ano ang opinyon nila.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Alagaan mo ang iyong sarili. Umiwas ka muna sa pagbili ng street food ngayong araw para hindi sumakit ang tiyan mo.
Love:
Singles: Kung wala talaga siyang pagtingin sa iyo, mas mabuting huwag mo na siya pilitin para hindi na maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Huwag kang mandaya sa iyong trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring maging busy ka ngayong araw. May malaking chance din na may mga kaibigan kang bumisita sa inyo.
Love:
Couples: Okay lang naman na ishare mo ang iyong mga problema sa iyong partner, lalo na kung magaling naman siyang magbigay ng advice.
Money/Career:
May mga pagbabago na mangyayari sa iyong career. Huwag kang matakot sa mga ito dahil mukhang positive naman ang mga ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 16