Aries (Mar 21 – Apr 19)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo naman ito ipilit sa ibang tao lalo na kung tutol sila rito.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong higpitan ang iyong partner, lalo na kung alam naman niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 28
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung galit ka, huwag ka muna gumawa agad-agad ng desisyon dahil may malaking chance na pagsisihan mo lang ito sa huli.
Love:
Couples: Huwag kang magpapressure sa relationship ng ibang tao. Mas mabuting magfocus ka na lamang sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka magpapadistract sa mga tao lalo na kung ikaw ay nasa iyong trabaho. Magfocus ka para gumanda ang performance mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang mapapansin na ang effort mo ng ibang tao, kaya naman hindi mo na kailangan pang magpakahirap masyado.
Love:
Singles: Mukhang magiging busy ka talaga ngayong araw, kaya naman mas mabuti kung uumpisahan mo na ang iyong mga gawain kaagad.
Money/Career:
May malaking chance na mabawi mo ang pera na nawala sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magmuni-muni ka muna ngayong araw. Kung gusto mong magsimba, gawin mo ito para naman makapag-isip-isip ka ring mabuti.
Love:
Couples: Kung merong achievement ang iyong partner, pwede mo siyang sorpresahin para mas lalo siya maging masaya.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka na naman ngayong araw kaya tiyakin mo na sapat ang iyong budget.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magagawa mo na balensehin ang iyong oras sa iyong pamilya at sa iyong trabaho. Maging consistent ka na lamang dito.
Love:
Couples: Kung may plano kayong umalis ngayong araw, mas mabuting manatili na lamang sa bahay at magpahinga.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagay na dapat ay matagal mo nang natapos.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna makipag-away ngayong araw, lalo na kung ayaw mong madamay ka sa isang malaking issue.
Love:
Couples: Kung hindi pa gusto ng commitment ng iyong partner, pagbigyan mo muna siya. Magiging handa rin siya para roon.
Money/Career:
Kung gusto mong umalis ngayong araw, gawin mo ito lalo na kung kailangan mo talagang puntahan ang isang lugar.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ito na ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagong proyekto na dapat ay matagal mo nang nagawa.
Love:
Singles: Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong madamay dito.
Money/Career:
Huwag ka mainggit sa ibang tao at makuntento ka sa mga bagay na meron ka.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 12
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang matatapos mo na ang isang obligasyon mo sa isang tao at dahil dito, magkakaroon ka na ng panahon para gawin ang mga bagay na gusto mo.
Love:
Couples: Supportive naman ang iyong partner sa iyo kaya huwag kang mahiyang magshare sa kanya ng iyong mga problema.
Money/Career:
Matuto ka sa iyong mga pagkakamali at gawin mo ang lahat para hindi na ito maulit.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo aayusin kaagad ang iyong mga problema, makakaapekto lang ito sa iyong kakayahang mag-isip.
Love:
Couples: Ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya ka-special sa iyo. Mag-effort ka pa lalo na kung gusto mong makabawi sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang good news sa iyong trabaho sa mga susunod na araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Siguraduhin mong inaalagaan mo ang iyong sarili. Huwag na masyadong magpuyat at magpahinga na lamang.
Love:
Couples: Okay lang naman na makinig ka sa mga hinaing ng iyong partner. Pero dapat ay alam mo rin kung kailan ka dapat magsalita.
Money/Career:
Kung seryoso ka sa iyong career, magiging successful ka rin dito pagdating ng pahanon.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ingat ka ngayong araw, dahil may chance na medyo malasin ka. Mag-isip kang mabuti para wala kang pagsisihan.
Love:
Couples: Kung may concern sa iyo ang iyong partner, pag-usapan ninyo ito para naman maayos ang inyong relasyon.
Money/Career:
Kung meron kang balak na simulan na isang bagong bagay, ito na ang panahon para gawin mo ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Gamitin mo ang iyong charm para mapapayag ang isang tao sa iyong request lalo na kung kailangan mo talaga ang tulong niya.
Love:
Couples: May chance na maging complicated ang samahan ninyo ngayong araw, kaya naman habaan mo na lang muna ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Maging honest ka lang sa iyong trabaho at tiyak naman na pagpapalain ka rin.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2