Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na maging busy ka ngayong araw, lalo na kung meron kang bagay na gustong kalimutan.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Mag-isip ka ng isang sorpresa para sa kanya.
Money/Career:
Kung nahihirapan kang pumili ng trabahong papasukan, piliin mo kung saan ka makakatipid ng pamasahe.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang kailangan mo na magseryoso muna ngayon. May mga bagay kang dapat asikasuhin kaya naman gawin mo na ang mga ito habang maaga pa.
Love:
Couples: Kung merong nagawang mali ang iyong partner, huwag mo masyado siyang pagalitan lalo na kung aware naman siya sa mali niya.
Money/Career:
Huwag ka muna makipag-away sa kahit na kanino ngayong araw para naman hindi sumama ang mood mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung merong tao na magpapayo sa iyo, mas makakabuti sa iyo kung susundin mo na lang ang kanyang sasabihin.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong kulitin ang iyong partner dahil mas lalo lamang siyang maiinis sa iyo.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang trabaho, may chance na makatanggap ka ng tawag mula sa kanila.
Lucky color: Black
Lucky number: 19
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang hindi bagay sa iyo ang walang ginagawa. Kaya mas mabuting tumulong ka na lamang sa gawain ng iba.
Love:
Couples: Habaan mo muna ang iyong pasensiya sa iyong partner at pagbigyan mo siya sa kanyang mga hiling.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw dahil may chance na magbayad na ang isang tao na may utang sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Balansehin mo ang iyong oras na nilalaan para sa iyong personal na buhay at sa iyong career. Hindi healthy kung sosobra ang isa.
Love:
Couples: Kung may tampo ka sa iyong partner, ka muna sa kanya kahit na saglit lang para naman makapag-isip ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magagawa mong tapusin ang isang proyekto na dapat ay matagal mo nang nagawa. Mas madadalian ka na rito sa susunod.
Love:
Singles: Kung gusto mong magkaroon ng love life, subukan mong baguhin ang iyong daily routine para naman may makita silang bago sa iyo.
Money/Career:
Talaga namang blessed ka ngayon, kaya naman gawin mo ang lahat para hindi masayang ang mga biyayang natatanggap mo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo munang kalimutang alagaan ang iyong sarili. Kung meron kang sakit na nararamdaman, mas mabuting magpacheck-up ka na.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang seryosong relasyon, kaya naman gawin mo ang lahat para hindi ito mapunta sa wala.
Money/Career:
Iwasan mong tamarin sa araw na ito para naman hindi ka rin mapagalitan.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi payag sa gagawin mo ang ibang tao, subukan mong ipaliwanag ang point mo at baka sakaling magbago ang kanilang isip.
Love:
Couples: Mukhang naiintindihan ka naman ng iyong partner, kaya naman huwag ka na masyadong high blood sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman ang trabaho sa public sector.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na mahiya sa ibang tao lalo na kung kailangan mong humingi ng tulong sa kanila tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang sikreto ng iyong partner ngayong araw. Ikaw lang ang makakapagsabi kung masama ba ito o mabuti.
Money/Career:
Marami ka pang dapat asikasuhin, pero huwag kang mag-alala dahil tiyak naman na matatapos mo ang mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Simpleng tao ka lang kaya naman nahihirapan ka sa mga bagay, lalo na kung tungkol ito sa isang complicated na sitwasyon.
Love:
Couples: Kung wala naman kayong balak na gawin ngayong araw, mas mabuting manatili na lamang sa bahay at magpahinga.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Tandaan mo na kung mataas ang pangarap mo, mas mahirap din ang challenges na dapat mong harapin para makamit ito.
Love:
Singles: Mukhang kailangan mong iwasang maging mahiyain lalo na kung gustong-gusto mo na talaga magkaroon ng love life.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may matanggap ka na bonus galing sa iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Makinig ka sa mga taong may tiwala sa iyong kakayahan. Huwag mo na intindihin ang mga taong wala namang bilib sa iyo.
Love:
Couples: Kung may sorpresang event ka sa iyong partner, mas maganda kung sisimplehan mo na lang ito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong high blood. Kumalma ka lang dahil hindi ka nakakapag-isip nang matino kapag beast mode ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 4