Hoy JDL, bakit ka ba nanggagalaiti
Sa inggit kay WR
Lagi mo siyang hinahanapan ng butas
Patsutsada mo sa kanya ay madalas.
Hindi ka namang pinakikialaman
Ikaw itong dakdak ng dakdak
Tulo laway ka sa kanyang kinalalagyan
Napagiwanan ka na niya kasi ng milya milyang kasikatan.
Hoy JDL kaparis mo’y donkey
Nag sorry na nga itong si WR
At tinanggap din naman ng pamilya ni Cory
Ngunit ang bunganga mo’y mapanghi.
Hoy JDL nagmamalinis ka lagi
At ginagawa mong itong si Willie’y marumi
Limot mo na ba ang panghahalay mo kay PP
Kasama mo si V at RDH.
Hoy JDL laman kayo sa lahat ng diyaryo noon
TV at radyo at kalabos sa Krame ika’y natameme
Masahol pa ang pangyayari
Kaysa sa ginawa ni HK kay KH.
Akala mo yata limot na ito ng sambayanang Pinoy (hindi hoy!)
Lalo na sa mga kabataan di nila alam ang pangyayari
Ngunit ito’y paalaala sa iyo lamang
Hoy Joey sa iyong sariling kasalanan at kalaswaan.
Hayan tinamaan ka na JDL!
Dinadaan mo pa ang inggit sa patula-tula!
Akala mo yata hahangaan ka
Hoy hindi ah kaya si WR’y tantanan mo na. Period.
****