(buhat buhat ni Cholo si Jodi papuntang dalampasigan)
-lalapatan ng isang malungkot na musika-
Cholo: Dito na tayo.
Jodi: Ano itsura ng paligid?
Cholo: (Unti-unting ibababa si Jodi. tatanawin ang karagatan) Payapa naman ang dagat. ‘Yung…isang parte…kulay asul. sa kabilang banda…kulay berde…(titingala naman sa langit) tapos…yung taas…sa langit…may mga ulap naman.
Jodi: Sunset na b…a..ah?
Cholo: Hindi pa…Hindi pa. pero maganda naman yung ano…yung…yung bilog ng araw. kasi…dun sa…isang ba…isang bahagi…medyo dilaw tapos dun sa…dun sa malayu-layo ng konti…nagiging orange…
Jodi: Patawarin mo ko Cholo. ..Alam ko masasaktan kita….ngunit…
Cholo: shhhhh…shhhhhhh…shhhhhhhh…… ‘Wag kang magsalita….wag kang magsalita…(papatak ang luha) no…. no…..
Jodi: Nararamdaman koooh…may hagdan…tinat…tawag na kooo…
Cholo: Ayoko! Ayoko…Ayoko…
Jodi:Parang may tumatawag sa a… sa a…kin…
Cholo: Wala. ayoko. wala…wala…ayoko…ayoko… Kahit isang araw lang…o kahit isang oras…o kahit sang…kahit isang minuto…yung mahaba. basta sandali lang…sandali lang….wag muna..wag muna…wag muna…
Jodi: Kailangan na kitang i…..wan…i..hatid mo naaaa k…ooooo..
Cholo: Sandali lang…kahit sandali lang….wag muna…wag muna…
Jodi: Hindi ko na…
Cholo: …wag muna…
Jodi: (pagmamasdan si Cholo) Mahal…na mahal…na ma…hal ki…taaaa…
Cholo: (pagmamasdan si Jodi, mapapaluha) Mahal na mahal kita! (unti unting magsasara ang mga mata ni Jodi)
(lalabas ang hagdanan patungong langit)
(hahagkan ni Cholo si Jodi)
(pumanaw na ang dalaga at di na mapigilan ni Cholo ang labis na mapaluha)
(may mga mumunting ilaw na manggagaling sa katawan ng asawa)
(mawawala ang hagdanan at maiiwan si Cholo na lumuluhang mag-isa)
fast forward…
Cholo: “Minsan sa ating buhay, darating ang isang taong bubuo sa ‘yo. aalalayan mo ng yong buong puso at pangangakuan ng habambuhay. na kahit mawala na sya’t magpaalam, buo ka pa rin. na parang walang umalis o kulang. na kahit nalulungkot ka at nasasaktan, kaya mo pa ring ngumiti. Dahil alam mo at naniniwala ka, na sa dulo ng lahat, magkikita kayong muli.”