Hanggang unang linggo na lamang ng Agosto ang Diz Iz It.
Anim na buwan ang kontrata nito sa Kapuso Network. Pebrero 8 ito nagsimula.
Sabi Atty. Felipe Gozon (presidente ng GMA) patungkol sa industriya ng telebisyon, “In this very dynamic industry, you have to be ahead everytime.”
Nae-enjoy ni Atty. Gozon ang pagtatrabaho sa TV industry dahil la ging may bago rito.
Sa law practice ay wala na raw bago. “You just have to research jurisprudence,” aniya pa.
Aminado si Atty. Gozon na hindi naabot ng telefantasyang Panday Kids ang inaasahan nila.
“May sawa factor na siguro, and the televiewers want something different,” sabi ni Atty. Gozon.
“Ganu’n talaga. ‘Yung Sis, ang tagal-tagal sa ere, sampung programa yata ang nagpalit-palit.
“And then they hit with Showtime.”
Parang wake-up call na rin daw ang nangyari, upang ang mga taga-GMA ay lalong maging masi gasig sa kanilang prog ramming.