Tulad ni Carla Abellana, tanggap na rin ni Geoff Eigenmann na after ng successful afternoon series nilang Basahang Ginto, paghihiwalayin muna sila ng GMA-7 as loveteam.
One year na rin halos at ilang shows na rin ang pinagtambalan nilang dalawa. Pero this time nga, magkaibang projects ang gagawin nila for Kapuso network.
Si Geoff ay magiging kapareha ngayon ni Glaiza de Castro para sa bagong series na Grazilda.
“Well, this thing naman is bound to happen talaga. Ever since, alam naman namin ni Carla that it’s inevitable. We will be paired with other actors and actresses and it’s okay,” nakangiting pahayag ni Geoff.
Nakita nga namin na binabasa ni Geoff ang script for Grazilda kung saan, ita-try naman ang team-up nila ni Glaiza.
On the other hand, ayaw sabihin ni Geoff kung ano ang bagong project ni Carla at kung sino ang bagong leading man.
“It’s her project naman, I mean, labas na ako ro’n. So, mas okay kung siya na mismo ang tatanungin n’yo or magsasabi. The truth is, hindi ko rin naman alam kung ano yung gagawin niya. Ako, ito ngang Grazilda ang bago kong show after ng Basahang Ginto.”
Bongga sa rating ang Basahan… pero ang irony nga noon, ‘yun din ang magsisilbing last team-up nila.
“Well, gano’n talaga. It’s still a management decision. I’m just happy lang na yung show namin ngayon is really doing well.”
May nakarating sa amin na ang primetime series daw na gagawin ni Carla ay ang napakaraming nagwi-wish na Kapuso stars na makagawa, ang Coffee Prince. Si Carla nga raw ang gaganap na Andi.
Tinanong namin ito kay Geoff, pero, nakangiti lang ito sabay sabi na wala siyang alam, huh!
2 Comments
sino si arthur? Oh my God I’m sooo excited!!!
NAKU NAMAN!! wala bang ibang artista ang GMA? Carla is good.. pero legendary ang Coffee Prince.. it’s everyone’s favourite… I’m sorry pero hindi nya carry yon’ kailangan sa Coffee Prince mabilis and pick up medyo comedy yung storya.. hindi nya kaya.. love ko si Carla but she is simply not right for this role…