Magmula kay Cesar Montano hanggang kay Edu manzano, ngayon naman ay si Sam Pinto na unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan ay si Melai Cantiveros ang nanalo. Pumirma rin nga ng contract bilang isang Kapuso star si Sam Pinto. Kasama niyang pumirma sa harap ng GMA7 Executives ang manager niyang si Ms. Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency.
Siya ay mapapanood ngayong Linggo sa Party Pilipinas bilang welcome sa kanya bilang Kapuso Network.
Inaasahang magiging visible siya sa mga susunod na buwan dahil magiging mainstay na siya sa Bubble Gang at siya ang napili ni Sen. Bong Revilla sa Metro Manila Film festival Entry na Enteng Agimat. Abangan ang mga susunod na projects ni Sam sa Kapuso Network.
Pinakahuling nakita si Sam sa Agimat Present’s Elias Paniki kung saan ay leading lady siya ni Jake Cuenca na umere tuwing gabi ng Sabado sa ABS-CBN.