Matagal nang sumubok si Andi Eigenmann na pumasok sa showbiz mula sa pagiging extra hanggang sa maging isang VJ at nabigyan ng break sa Agua Bendita at ngayon naman ay sa movie. Maraming beses nang nasulat na hindi naman talaga solid na Kapamilya si Andi dahil kadalasan ay nanonood ito ng mga GMA shows.
Ngayong tapos na ang recently concluded at top rating na Agua Bendita, nagsabi si Andi Eigenmann na magpapahinga muna siya sa showbiz. Pero gaano katotoo na kaya niya nasabi ito ay tatapusin lang niya ang nakalaang time para makalipat sa GMA7?
Hala!? Tingnan na lang natin ang susunod na kabanata. Inaasahan kaya niya na siya ang lalangoy sa binabalak na susunod na serye ng GMA7 na lumalangoy din? Tingnan na lang natin!