Ayon sa ilang sources namin sa Dos, bigla nang ipapasok ang Imortal para palakasin ang Primetime Bida na naapektuhan nang husto sa malamig na pagtanggap ng viewers sa Idol.
Sa mga nangyayari, malinaw na nagiging collateral damage si Sarah Geronimo sa diumano’y unsettled issues between ABS-CBN and Boss Vic del Rosario na manager ng dalaga.
Matatandaan na biglang ipinalabas sa TV5 ang cocnert series ni Sarah, sabay na sabay pa sa premiere telecast ng Idol. Kaya lumutang din ang isyu na lilipat na raw sa TV5 ang dalaga.
Hindi nakatulong kay Sarah ang mga gulong nangyayari sa likod ng career niya.