“Namamasko Po” na raw ang final title ng krismaserye ng GMA ngayong 2010. Ang krismaseryeng ito ay ang pangalawang soap ni Jillian Ward na unang nakilala bilang Trudis Liit. Makakasama ni Jillian ang malalaking GMA stars kasama na riyan sina Wendell Ramos, Michael V. at si Miss Claudine Barreto.
Sigurado ng maaantig ang ating puso sa handog na ito ng GMA para sa pamilyang Pilipino. Ang buong seryeng ito ay tatakbo sa buong Christmas season.