Sa December 4 na ang pilot ng reality Christmas show ng GMA-7 na Puso ng Pasko, pero totoo kaya ang balitang wala pang mahanap na male host at maka-kasama ng Kapuso aktres na magsisilbing female co-host ng reality show?
May nangyari kung bakit hindi natuloy maging host ang sabi’y first choice to host the show na sina Iya Villania at Drew Arellano at sa sobrang salimuot, ’di namin alam kung paano isusulat.
Anyway, ang unang tsika, si Richard Gutierrez ang male co-host ng Puso ng Pasko, nag-back-out lang daw ito dahil pinaghahandaan na ang Captain Barbell at ang kanyang Valentine movie.
May nagkuwento namang hindi host, kundi inimbita si Richard kapareha si Solenn Heussaff na sumali sa challenges, pero hindi rin pumuwede for the same reason.
Kaabang-abang ang Puso ng Pasko dahil sa kakaibang challenges na paglalabanan ng 12 pairs ng Kapuso primetime stars para sa big time prizes sa ngalan ng Serbisyong Totoo.
Ang objective ng show ay makatulong sa nangangailangan at deserving families sa Pasko.
1 Comment
Hi Mangyan, nice blog & good post. overall You have beautifully maintained it, you must submit your site for free in this website which really helps to increase your traffic. hope u have a wonderful day & awaiting for more new post. Keep Blogging!