Pag-akyat ng Asia’s Songbird sa stage last Sunday, natatawang sinabi niya kung bakit binibigyan siya ng tribute samantalang hindi naman siya tuluyang magpapaalam sa Party Pilipinas.
“Hindi ako magpapaalam, mag-aasawa lang ako!” bulalas niya.
Pagkatapos nito ay naging seryoso na si Regine at nagsalita siya tungkol sa bagong yugto na papasukin niya sa kanyang buhay.Sabi niya, natapos na ang “pag-iisip” niya para sa kanyang mga magulang at mga kapatid.
“Tapos na po ako do’n. Lahat po ng mga kapatid ko, and thank God, they are all doing well. And my parents are doing well also.”Maraming salamat kay Lord kasi natapos ko na ‘yon,” naluluha nang sabi ni Regine.
Hindi naman kaila sa marami na si Regine ang nagtaguyod sa kanyang pamilya mula nang manalo siya sa Bagong Kampeon hanggang sa sumikat siya bilang singer ar aktres.
“And there was a time na ako na lang ang iniisip ko,” patuloy ng Asia’s Songbird.“So ngayon, medy mababago ulit kasi hindi ko na masyadong iisipin yung sarili ko. Kasi, kailangan isipin ko na meron na pala akong partner.”Ang tinutukoy na “partner” siyempre ni Regine ay ang magiging asawa niya na si Ogie Alcasid.Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Regine ang “lahat ng mga nakasama ko simula pa lang”—mula sa una niyang manager na si Ronnie Henares hanggang sa kanyang kapatid na si Cacai Velasquez, na siyang humahawak sa career niya ngayon.
Dahil hindi niya mapigilang umiyak habang nagsasalita, nagbiro ito ng: “Pasensiya na kayo, medyo emotional ako, hormones! Hello!”Patuloy niya, “Nagpapasalamat din ako sa mga taong tumulong sa akin.”Higit sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mga kaibigan ko na patuloy pong sumusuporta sa mga album ko, nanonood ng mga pelikula ko, bumibili ng mga CD ko.”Nagbabasa ako minsan sa Internet, nakakatawa, kasi nilalagay nila do’n: ‘Regine at 40, ikaw pa rin!’
“Bakit naman kailangan may 40 pa?” natatawa niyang sabi.
“No, but thank you.
“From the bottom of my heart, hindi ko po mararating kung ano po ang narating ko ngayon kung wala po kayo.
“Maraming-maraming salamat po,” naiiyak na sabi pa ni Regine.
Pero paglilinaw niya, “Hindi po ako nagpapaalam, nagpapasalamat lang po ako.
“Hindi naman po ako magpapaalam dahil ayaw naman po akong pahintuin ng magiging asawa ko.
“I’m very thankful na sabi niya, kung pagod na ako, magpahinga ako sa ibang bagay na ginagawa ko. Pero huwag ko daw iwan ang pagkanta.
“Thank you very much, Babu,” mensahe ni Regine sa kanyang future husband.
Pinasalamatan muli ni Regine ang mga nakatrabaho niya sa Party Pilipinas.
“Magkita-kita tayo next year kasi may pasabog ako next year! Good luck! Abangan n’yo!” dagdag niya.
Pagkatapos nito ay tumugtog na ang piyesa para number niyang “You Are My Song.”Pero pagkatapos ng unang verse ng kanta ay hindi na naituloy ni Regine ang pagkanta dahil tuluyan nang umagos ang luha niya.“Ano ba?!” natatawa niyang sabi, pero hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang emosyon at hindi pa rin siya nakakanta.Dahil dito, sinalo na lang siya ng kaibigan niyang si Jaya, na nasa gilid na ng stage, at siyang nagtuloy ng kanta.
Sumabay na rin sina Kyla, Rachelle Ann, La Diva, at maging si Ogie.Nang maka-recover si Regine nung bandang huli ay itinuloy niya ang pagbirit sa kanyang sariling kanta.Bagamat hindi muna mapapanood si Regine sa Party Pilipinas, hindi naman siya tuluyang mami-miss ng kanyang fans dahil may nakahanda na siyang teleserye sa Kapuso network.
Isa sa opening salvo ng GMA-7 sa 2011 ang I ♥ You Pare na pagsasamahan nina Regine at Dingdong Dantes.