Nagkapaltos daw ang balat ni Aljur Abrenica dahil sa Machete?
Sinukatan na pala si Aljur para sa estatwang naka-molde sa kanya pero dumikit pala ang ikinast sa balat niya kaya nagkapaltus-paltos daw ito at natanggal ang mga balahibo ng aktor sa katawan.
Pero puring-puri raw si Aljur ng mga staff dahil talagang tiniis daw nito ang sakit at wala man lang daw silang narinig na kahit isang reklamo.
Wala na kasing ibang pumuwede pa bilang Machete kundi si Aljur lang at matagal na rin itong pinaghandaan ng young actor.
Ang pagkakaalam namin, sina Ryza Cenon at Bela Padilla ang leading ladies dito ni Aljur.