Naghahanda na si Aljur Abrenica sa first taping day niya ng Machete sa December 28 sa direction ni Don Michael Perez. Three years daw niyang hinintay ang project at gabi-gabi’y ipinagdarasal niyang sa kanya mapunta’t naniniwalang malaki ang maitutulong ng project sa kanyang career lalo’t sa primetime ito ipalalabas.
Mag-i-enjoy ang mga bading at female fans ng actor dahil lagi siyang nakabahag sa kanyang mga eksena. Nag-volunteer ang mga bading na reporter na sila ang mag-aayos ng bahag ni Aljur na tinawanan lang nito.
Sina Ryza Cenon at Bela Padilla ang leading ladies dito ni Aljur at join din sa cast ang nali-link sa kanyang si Gwen Zamora sa role ng isang archeologist student. Si Ryan Eigenmann main contravida at kasama rin si Rocky Gutierrez.
Ano ang reaction niya sa sinabi ni Lolit Solis na nalampasan na niya si Mark Herras sa popularity?
“Nirerespeto ko si Mark dahil siya ang original sa StarStruck. Marami na rin naman siyang ginawang magagandang projects,” sagot ni Aljur.