Isa na namang beauty queen ang binigyan ng ABS-CBN ng isang malaking break pagkatapos ni Bianca Manalo sa Juanita Banana. Ngayon naman ay si Precious Lara Quigaman sa isang fantaserye na handog ng ABS-CBN sa kanilang mga manonood ngayong 1st quarter ng 2011.
Mahilig ang mga Pilipino sa mga kwento ng serena kaya nga pumatok ang kauna-unahang fantaserye ng ABS-CBN na “Marina” kung saan naman nagbida si Claudine Barreto. Ito ang isa sa mga kalakasan ng ABS-CBN, kung saan binibigyan nila ang mga talents nila ng opportunity para magbida sa isang serye.
Ang magiging leading man ni Precious Lara rito ay si Alfred Vargas.