Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag kang makinig sa ibang tao. Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan at magagawa mo ring matapos ang iyong mga kailangang gawin.
Love:
Couples: Kailangan mo nang gumawa ng desisyon. Huwag mo na ito patagalin pa kundi kayo lang ang mahihirapan sa huli.
Money/Career:
Kung masyadong malayo sa inyo ang work mo, mas mabuting humanap ka na lang ng lugar na pwede mong matirhan malapit dito.
Lucky color: Black
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo ito ipagpilitin sa iba dahil maiinis lang sila sa iyo.
Love:
Couples: Kahit na gusto mong maglaan ng maraming oras sa iyong partner, mahihirapan ka rito lalo na kung masyado kang busy sa work.
Money/Career:
Huwag mong balewalain ang iyong kalusugan. Hindi ka magiging productive kung magiging sakitin ka.
Lucky color: White
Lucky number: 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang nagawang mali sa iyong kapwa, magsorry ka kaagad sa kanya para hindi na lumaki pa ang inyong alitan.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para maglaan ng oras sa inyong pamilya. Lumabas kayo o kaya’y magsimba.
Money/Career:
Kung meron away sa iyong trabaho, mas mabuting huwag ka na lang makialam pa rito lalo na kung wala ka namang kinalaman.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magcommit ka sa mga bagay na gusto mo talagang gawin. May malaking chance na magtagumpay ka rito in the future.
Love:
Couples: May chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman huwag ka na muna makipag-away sa iyong partner.
Money/Career:
Kung wala ka pang trabaho, may job offer na darating para sa iyo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman na magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili, pero huwag naman sana umabot sa point na nagiging mayabang ka na.
Love:
Couples: Kung bago pa lang ang inyong relasyon, tandaan ninyo na dapat ay lagi kayong may tiwala sa isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag ka munang humusga ng tao lalo na kung hindi mo naman talaga siya kilala.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang malapit ka na maging successful sa buhay. Kailangan mo na lamang maging consistent sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Mukhang may taong makikipagflirt sa iyo ngayong araw. Pero huwag mo siyang seryosohin dahil bored lang un.
Money/Career:
Kung nag-iisip ka na magresign na sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang naman na may baguhin ka sa iyong sarili. Pero tandaan mo na hindi lahat ng pagbabago ay makakabuti sa iyo.
Love:
Couples: Kung may away kayong dalawa, mas mabuting magpaubaya ka na lang para hindi na siya magtampo pa sa iyo.
Money/Career:
Kung bored ka na sa iyong work, marahil ay panahon na para gawin mo ang bagay na talagang gusto mo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magfocus ka. Huwag mo masyadong pansinin ang mga nangyayari sa iyong paligid para hindi ka madistract.
Love:
Singles: Kung may taong nanakit sa iyo, may malaking chance na humingi siya ng sorry ngayong araw.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, hindi malayong mabigyan ka ng bonus ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mag-ingat ka ngayong araw. Huwag ka masyadong malikot dahil may chance na meron kang masaktan na tao.
Love:
Couples: Mukhang going strong naman ang inyong relationship, kaya naman mas maganda kung ilelevel-up na ninyo ang inyong samahan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw. Kung mairita ka man, hindi naman ito magtatagal at magiging okay ka ulit.
Love:
Singles: Maaaring hindi mo siya type, pero mukhang type na type ka naman niya. Subukan mong bigyan siya ng chance.
Money/Career:
Maging consistent ka lang sa iyong trabaho at tiyak naman na mawawala din ang iyong problema.
Lucky color: Silver
Lucky number: 8
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Panahon na para ikaw ay gumawa ng desisyon. Kung nahihirapan ka, sundin mo lang kung saan ka mas magiging masaya.
Love:
Singles and Couples: May chance na may taong bumisita sa inyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang ipaghanda siya.
Money/Career:
Yayain mo ang iyong mga dating kaklase at kumain kayo sa labas.
Lucky color: Grey
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nahihirapan ka sa isang bagay, mas mabuting humingi ka ng tulong sa iyong kaibigan para mapayuhan ka niya ng tama.
Love:
Couples: Maglaan ka muna ng panahon sa iyong partner. Kung masyado kang busy sa iyong trabaho, ito na ang oras para bumawi ka.
Money/Career:
Huwag mo muna bilhin ang isang bagay na naka-sale online. Ilaan mo muna ang pera para sa ibang bagay.
Lucky color: Black
Lucky number: 28