Matindi ang dusa ni Aljur Abrenica sa taping ng Machete pero ni katiting ay wala kang maririnig na reklamo sa kanya. Sa taping ni Aljur nu’ng Sabado ay inumaga siya sa Roxas Boulevard na naka-bahag lang.
Ang haba ng nilakad ni Aljur sa Roxas Boulevard na naka-bahag lang kaya nagkagulo ang mga tao roon.
Nahirapan sila sa crowd control, kaya mabagal ang takbo ng taping, pero wala raw karekla-reklamo si Aljur at tiniis ang lahat dahil gusto niya ang ginagawa niya at kailangang pagbutihin niya dahil malaking challenge sa kanyang career ang Machete na magsisimula sa Enero 24.