Magsisimula ngayong Lunes pagkatapos ng Alakdana ang Nita Negrita starring Barbie Forteza sa role ni Nita na isang Filipino-African American na lumaki sa orphanage at hindi alam, aampunin ng sariling ina.
Sa ampunan nito makikilala ang makakaribal na si Misty (Lexi Fernandez) at paglalabanan nila si Prince (Joshua Dionisio) at pahusayan din sila sa gymnastics, kaya nag-enroll ng gymnast class ang dalawa.
Ikinuwento ni Nova Villa ang istorya ng Nita Negrita, pero hindi na namin isinulat at hahayaan namin kayong subaybayan ang istorya ni Nita, Prince, Misty at iba pang karakter ng afternoon drama sa direction ni Gil Tejada.
Pinaitim dito si Barbie at inaabot ng ilang oras ang pagpapaitim sa kanya, pero wala itong reklamo na ikinabibilib sa kanya ng staff.