Umangat ang ratings ng Machete last Friday kung saan binago ang timeslot nito. Pang-adult kasi ang tema ng fantaserye kaya naman nakapanood ‘yung mga babae at bading na nagpapantasya kay Aljur Abrenica, huh!
Humamig ng 10.4 % ratings ang Machete kumpara sa 7.5% ng katapat na Green Rose. Sa huling dalawang linggo ng seksi-serye, malalaman kung tuluyan nang makakalimutan ni Machete (Aljur) si Aginaya (Bela Padilla) dahil kay Jessa (Kris Bernal).
5 Comments
24 Oras, Numero Uno News Program pa rin sa Bansa para sa Pebrero
By night owl on 6:00 AM
Para sa buwan ng mga puso, napunta sa Kapuso parin ang puso ng mas nakararaming mga Pinoy nationwide imbes sa Kapamilya, lalo na pagdating sa telebabad matapos talunin ng GMA ang kalabang istasyon sa average audience share na 41% kumpara sa ABS-CBN 2 na may 31% lang.
Sa pagbabalita sa primetime, wagi ang GMA sa pamamagitan ng “24 Oras” na numero uno pa rin sa mga newscast sa buong bansa kahit nagbagong bihis ang kalabang newscast at namimigay ng malalaking premyo ang kalabang game show.
Mas maraming tahanan sa bansa ang nakatutok sa “24 0ras” nina Mike Enriquez, at Mel Tiangco na may average rating na 26.7% ngayong Pebrero. Talo ang tambalang Noli De Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon na nagtala lang ng 20.5% at mas dehado ang game show na “Willing Willie” ng TV5 na may 11% rating lang.
Mas lalong umaariba ang Kapuso Network pagdating sa drama dahil pa rin sa hindi matinag na line-up ng mga primetime teleserye nito. Nanlalamon pa rin nationwide sa ratings ang “I ♥ Heart You Pare” (34.9%) na sinusundan ng “The Baker King” (31.8%), at “Machete” (26.4%).
Maging sa Mega Manila na tinuturing na balwarte ng ABS-CBN 2 ay hindi nakapalag ang mga pambatong show ng Kapamilya sa dekalibreng mga seryeng handog ng GMA 7. Nagawang pataubin ng “I ♥ You Pare” (28%), “The Baler King” (23.5%), at “Machete” (22.1%) ang “Mara Clara” (21.4%), “Mutya” (20.2%), and “Imortal” (20.6%).
Samantala, siyam sa top 10 most-watched TV program nationwide ay mula sa GMA.
Nangunguna pa rin dito ang I ♥ You Pare(34.9%), na sinusundan ng The Baker King (31.8%), Alakdana (30%), My Lover, My Wife (28.6%), 24 Oras (26.7%), Jessica Soho (26.4), Mel and Joey (23.9%), Imbestigador (22.5%), at Pepito Manaloto (21.3%) na nakuha ang huling puwesto.
Sa pangkalahatan, GMA pa rin ang nananatiling numero unong TV network sa bansa sa audience share nito na 36% para sa buwan ng Pebrero laabn sa ABS-CBN na may 35% at TV5 na may 13%.
Sa Balance Luzon o areas sa labas ng Mega Manila, mas maraming tahanan sa bansa ang tumutok sa GMA (38%) vs ABS-CBN (35%). Sa Visayas, mahigit sa doble ang bilang ng tahanan na nakatutok sa GMA(54%) kumpara sa ABS-CBN (24%). At sa Mindanao, mas maraming tahanan ang tumutok sa GMA (53%) vs ABS-CBN (21%).
Ngayong Pebrero, hindi lang hawak ng GMAang national leadership pagdating sa TV ratings. Naghahari na rin ang nasabing istasyon sa primetime TV sa Mega Manila na dating pinangunahan ng ABS-CBN.
Hindi lang sa Pilipinas tanyag ang Kantar Media/TNS. Kilalang-kilala ang nasabing kumpanya sa iba’t ibang parte ng mundo. Malalaking kumpanya ang mga cliente nila at matagal na silang may karanasan sa pagsasaliksik ng mga manonood ng programa sa TV sa 32 na bansa.
Nagsimulang maglabas ng TV ratings sa Pilipinas noong Pebrero 2009 ang Kantar Media. May 1,370 panels o kabahayan ang Kantar Media/TNS sa Luzon, Visayas, at Mindanao na kumakatawan sa buong bansa.
Lumipat sa AGB Nielsen Media ang GMA matapos magsampa ito ng kaso laban sa Kantar Media/TNS Research sa hindi nito pagsunod sa hiniling na imbestigasyon hinggil sa umano’y pandaraya ng datos ng kanilang TV ratings. Kasalukuyang nakabinbin pa sa korte ang kaso.
Rating serbisyong totoo lamang.
Sos as in naman na-conquer talaga ng GMA ang whole Philippines, One day lang naman lumamang nationwide hahaha nagmalaki na aysus!!!
one day ka jan.. kasi bulok na palabas sa ABS kaya di na sila pinapanood sa buong pilipinas… hahahaha.. peace men…
hahhah ini iba nyo naman ang cebu at davao kaya ay balwarte ng abs-cbn hahahah!!!! yag nyong ibahin hahahah!!!sa luzon lang malaks ang kapuso peru sa ibang lugar gaya ng visayas at mindanao laos na ang gma!!!!
hahahah!!!nag bibiro ba kayo naniniwala akong sa luzon malakas ang gma, peru sa visayas at mindanao?hindi kaya balwarte ng abs-cbn ang mga lugar na yan no!!!hahaha bat di nyo matanggap na kahit malakas ang gma sa luzon i humihina naman ito pagdating sa mga lugar na ito. abs-cbn parin ang nag oover all champion sa ratings!!!!!! go gog gogo KAPAMILYA!!!PATULYO NATING IBAGSAK ANG GMA!@!!!!