Si Kylie na raw at wala nang iba ang gaganap sa role na unang ginampanan ni Snooky Serna sa remake ng Blusang Itim. Ang hinahanap na nga lang daw ay ang magiging leading men ni Kylie. ‘Yung gumanap na Richard Gomez at Joel Alano sa movie.
Kung totoo rin ang nakarating sa amin, tila sa mga nag-audition daw to be Kylie’s leading man, ang pinabalik daw ulit ay ang 19 years old model son ni Chat Silayan na si Victor.
Nag-hit ang Blusang Itim noong ipalabas ito noong mid-80’s na una munang lumabas sa komiks.