Sa Party Pilipinas sa Linggo na pormal na ipakikilala ang bagong Kapuso na si Isabelle Diaz, ang 23-year-old na anak ng dating Miss Universe-actress na si Gloria Diaz.
Ang unang proyekto ng dating modelo sa ilalim ng pinirmahang three-year exclusive contract ay isang game show kasama ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Tuwing Sabado raw eere ang nasabing show matapos ang laban ni Pacman kay Mosley.
Sa isang mini-interview, sinabi ni Isabelle na “okay lang” sakaling ma-link o maintriga siya sa People’s Champ ’pag magkasama na sila sa trabaho.
Matagal-tagal na rin daw naman silang magkakilala nito dahil nagkasama sila sa isang commercial ng Red Horse at may mga pagkakataong napag-usapan nila ang misis ni Pacquiao na si Jinkee at ang kanilang mga anak.
Mabait at generous ang description ni Isabelle sa makaka-tandem, pero hindi lang daw sa kanya, kundi lalo na sa staff.
Kasama ang mga kaibigang sina Raymond Gutierrez, manonood si Isabelle ng Pacquiao-Mosley bout sa Amerika.
Isa pa, may non-showbiz boyfriend si Isabelle, isang French business executive, for over a year now.
Tanggap na rin daw ni Isabelle na parte ng showbiz ang mga intriga at hindi naman nagkukulang ang mommy siya sa pagpapaalala.
In fact, napaka-supportive raw ni Gloria sa kanyang pag-aartista ngayong tapos na siya ng pag-aaral (graduate ang dalaga ng Early Childhood Education sa De La Salle University at kumuha ng kursong Human Biology ng isa’t kalahating taon).
Nang tanungin kung wala ba siyang balak sundan ang mga yapak ng ina bilang beauty queen, negative ang sagot ni Isabelle.
Sey daw ni Gloria, tama na ang isang korona sa pamilya. Naniniwala rin daw si Isabelle na hindi niya kailangang i-duplicate ang na-achieve ng ina.
“Marami ring intriga if I join (a beauty contest). I see no upside to it. Saka, ever since I was young, ’di ko pinangarap na maging beauty queen.