Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magiging emosyonal ka ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman sa pera ang dahilan nito.
Love:
Singles: Huwag ka muna magpadala sa mga sinasabi niya. Marahil ay may gusto lang siyang makuha sa iyo.
Money/Career:
Kontrolin mo ang iyong paggastos. Huwag ka muna bumili ng mga bagay na hindi naman gaano kaimportante.
Lucky color: Black
Lucky number: 28
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may makukuha kang advice mula sa isang kaibigan. Sundin mo ito lalo na kung gusto mong magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay.
Love:
Singles: Subukan mong yayain sa isang date ang isang tao na hindi mo naman talaga type. Malay mo maging maganda naman ang takbo nito.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, marahil ay iwan mo ito para magawa mo ang bagay na talagang gusto mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang mas makakabuti kung magsolo ka na lang muna ngayong araw dahil may chance na mairita lang sa iyo ang iyong mga isasama.
Love:
Couples: Mukhang magiging maganda na ang status ng inyong relasyon. Kung nag-away kayo kamakailan, magkakabati na kayo.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magmadali. Kung gusto mo talagang maging successful, habaan mo ang iyong pasensiya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna sumubok ng bago ngayong araw. Gawin mo na lang ang mga bagay na subok na para hindi ka na mastress.
Love:
Couples: May malaking chance na mag-away kayo ng iyong partner ngayong araw at mukhang may kinalaman dito ang iyong kapatid.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang panahon para ikaw ay kumuha ng bagong credit card.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May taong palaging nandiyan para suportahan ka sa mga gusto mo. Kaya naman huwag mo siyang babalewalain.
Love:
Singles: Mukhang may chance na may magustuhan kang tao ngayong araw. Huwag ka masyadong magpahalata dahil baka mahiya siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay sumubok naman ng bago.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Gawin mo na kaagad ang mga bagay na inuutos sa iyo. Huwag ka na magsayang ng oras para na rin matapos ka nang maaga.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Dalhin mo siya sa kanyang favorite place.
Money/Career:
Magaling ka naman sa iyong trabaho, kaya naman maging consistent ka na lamang dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may kakilala kang masisira ang araw at may malaking chance na ikaw ang may dahilan ng kanyang inis.
Love:
Couples: Kung hindi pa kayo kasal, may malaking chance na pumayag na sa inyo ang inyong mga magulang.
Money/Career:
May posibilidad na may matulungan kang kaibigan na makahanap ng trabahong mapapasukan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Simple ka lang mag-isip kaya naman madalas kang nahihirapan magdeal sa mga relationships na complicated.
Love:
Couples: Kung may gusto kang sabihin sa iyong partner, diretsuhin mo na siya. Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Money/Career:
Huwag kang matakot na magtake ng risks sa iyong career. May malaking chance na magiging maganda ang resulta nito.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Bago ka maging masaya, dapat ay alam mo muna kung anong bagay ang nagbibigay sa iyo ng lungkot. Ito muna ang gawan mo ng aksyon.
Love:
Couples: Makakatanggap ka ng advice sa iyong partner at dapat mo itong sundin. Kahit na hindi mo ito gusto, dapat mo pa rin itong gawin.
Money/Career:
Huwag ka magpastress sa iyong trabaho. Makakatulong sa iyo kung makikipagtawanan ka sa iyong mga kasama.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong balewalain ang mga taong humihingi ng iyong atensyon. Pasalamat ka at merong mga taong nagke-care para sa iyo.
Love:
Couples: Kahit na hindi ninyo ginusto, may malaking chance na may 3rd party na manggulo sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung meron kang matatanggap na job opportunity, kunin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung merong bumabagabag sa iyo, mas mabuting i-share mo ito sa mga taong kaclose mo para na rin mapayuhan ka nila.
Love:
Singles: Mag-ingat ka sa mga taong nagugustuhan mo. Huwag ka kaagad magpauto sa mga gusto nilang ipagawa sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung pinag-iisipan mong baguhin ang iyong career, ituloy mo ito lalo na kung hindi ka na masaya sa iyong kasalukuyang trabaho.
Love:
Couples: May malaking chance na handa na kayo para ilevel up ang inyong relasyon. Mukhang maganda ang future ninyong dalawa.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang tulong mula sa isang tao na natulungan mo dati.
Lucky color: Red
Lucky number: 11