Dumagundong ang buong studio ng GMA Annex, Studio 7 kung saan live na live ang Party Pilipinas sa paglabas ni Maricel Soriano bilang surprise guest sa birthday ni Geleen Eugenio.
Isa si Geleen Eugenio sa mga nakasama ng Diamond Star sa mga shows nila dati at nagpauso ng “Shake, Body, Body Dance” kasama si Roderick Paulate.
Nagpaunlak si Maricel sa mga taga-Party Pilipinas kasama ang birthday celebrant na sumayaw ng mga pinasikat nila noong sayaw at ito nama’y pinag-usapan hindi lang sa studio kundi ang mga nasa twitter.
Nagtrending ito worldwide na nangangahulugan lamang na marami talaga ang nananabik sa muling paglabas ng isang Diamond Star sa TV.