Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw. Kaya naman sasakit talaga ang ulo ng mga taong makakasama mo buong araw.
Love:
Couples: Yayain mo sa isang date ang iyong partner, lalo na kung hindi na kayo masyadong nakakapaglaan ng maraming oras sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung meron kang job interview ngayong araw, mas mabuting magsuot ka ng kulay puti.
Lucky color: White
Lucky number: 24
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung mahilig kang kumain, malaki ang chance na hindi sasakit ang tiyan mo kaya naman makakain mo ang lahat ng iyong gustuhin.
Love:
Singles: Ipaalam mo sa taong nagugustuhan mo na meron kang pagtingin sa kanya. Malay mo, the feeling is mutual.
Money/Career:
Kung meron kang plano na lumipat ng trabaho soon, mas maganda kung maghahanda ka na.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo gusto ang isang bagay, mas mabuting iwan na lamang ito at huwag na pilitin ang sarili na magustuhan ito.
Love:
Singles: Kung meron kang date ngayong araw, may malaking chance na hindi maging maganda ang resulta nito.
Money/Career:
Kung meron sa iyong iaalok na trabaho, huwag ka na magdahilan pa at tanggapin mo na ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang naisip na ideya, mas mabuting huwag na muna ito ipagsabi sa iba dahil may chance na nakawin nila ito.
Love:
Couples: Kung gusto mong tumagal pa ang inyong relasyon, dapat ay iwasan mo na ang pagiging isip-bata.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Lahat ng bagay ay may dahilan, kaya naman mas mabuting tanggapin mo na lamang ang mga bagay na darating.
Love:
Couples: May posibilidad na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya mas mabuting huwag ka na muna gagawa ng mga mabibigat na desisyon.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong trabaho, tiyak naman na meron kang kasama na handa kang tulungan.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na may taong idadamay ka sa kanilang problema.
Love:
Singles: Gusto mo siya pero hindi mo pa rin magawang aminin sa kanya ito. Hayaan mo, darating din ang araw na masasabi mo ito sa kanya.
Money/Career:
Bago ka gumastos, tanungin mo muna ang iyong sarili kung pwede mo naman itong bilhin sa ibang araw.
Lucky color: Silver
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang mahihirapan ka ngayong araw dahil meron kang kamag-anak na magdudulot sa inyo ng isang malaking problema.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, magmatyag ka muna at pagmasdan ang kanyang mga kilos.
Money/Career:
Kung meron kang gustong makuha sa iyong trabaho, paghirapan mo ito para naman maging deserving ka rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Irespeto mo ang mga paniniwala ng ibang tao. Kung ipipilit mo ang gusto mo sa kanila, magkakaroon ka ng malaking problema.
Love:
Couples: Mukhang tama ang hinala ng partner mo tungkol sa iyo. Kaya kung ayaw mong mabisto, ingatan mo ang mga galaw mo.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maging bossy sa iyong trabaho. May kanya-kanya kayong gawain kaya naman magfocus ka na lang sa mga dapat mong gawin.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Makakamove-on ka lang sa buhay kung hindi ka na magpapaapekto sa iyong nakaraan. Matutong i-let go ang mga bagay na nagpapahirap sa iyo.
Love:
Couples: Kung naging busy kayo kamakailan ng iyong partner, ito ang tamang araw para bumawi kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang good news ngayong araw tungkol sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 26
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging emosyonal ka ngayong araw. Pero gawin mo ang lahat para harapin ng buong tapang ang iyong mga problema.
Love:
Singles: Maging mabait ka sa lahat ng taong makakasama mo ngayong araw. Malay mo, may taong magkagusto sa iyo dahil dito.
Money/Career:
Hindi ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw ang pinaka naapektuhan dito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring ma-delay ang iyong trabaho, pero hindi naman ikaw ang may kasalanan. Kaya kung magkakaroon ka ng free time, gamitin mo ito para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kahit na busy ka, dapat ay naglalaan ka pa rin ng oras sa iyong partner. Kahit na simpleng message ay ayos na.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring maubos ang iyong naitabing pera sa mga bagay na hindi naman gaanong kaimportante.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong pagtakpan ang kasalanan ng isa mong kaibigan. Dapat ay pagsabihan mo siya at tulungan mo siyang maitama ito.
Love:
Couples: Kung hindi kayo mag-iingat, maaaring may third party na sumira sa inyong relasyon. Panahon na para maging matatag kayo.
Money/Career:
Kung meron sa iyong iaalok na trabaho, tanggapin mo na ito kahit na hindi ka masyadong pamilyar sa mga gagawin mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 22