Nakitaan ng kakaibang chemistry sina JM de Guzman at Charee Pineda na kahit hindi sila loveteam sa nagtapos na teleseryeng “Mula sa Puso”.
At dahil doon, magkakaroon na raw sila ng sarili nilang teleserye. Kinumpirma na rin ‘yan ni Direk Lauren Dyogi sa kanyang twitter account. Mukhang marami ang matutuwa nito dahil kahit papaano ay nagkaroon ng tagasubaybay ang dalawa as loveteam sa “Mula sa Puso”