Aries (Mar 21 – Apr 19)
Marami ka ngang mga kaibigan, pero hindi ka naman sure kung lahat ba sila ay talagang may care sa iyo.
Love:
Couples: Romantic ka namang tao, pero mukhang wala sa mood ang iyong partner kaya huwag mo na muna siyang suyuin.
Money/Career:
Kung nag-appear ka sa isang job interview, may malaking chance na makatanggap ka ng good news tungkol dito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman mas mabuti kung hindi ka muna gagawa ng mga bagay na magpapadepress sa iyo.
Love:
Couples: Maaaring maging aggressive ang iyong partner ngayong araw, kaya may chance na magtaka ka sa kanyang mga gagawin.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw. Gawin mo ang lahat para hindi ito maubos kaagad.
Lucky color: Brown
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magfocus ka sa iyong mga gawain para matapos mo ang mga ito kaagad, lalo na kung gusto mo makauwi nang maaga.
Love:
Singles: Maaaring multuhin ka pa rin ng iyong nakaraan. Kaya naman mas mabuting magmove on na para hindi ka na mahirapan.
Money/Career:
Bago ka umaksyon, ianalyze mo na muna mabuti ang sitwasyon para maging tama ang iyong gagawing desisyon.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magrelax ka lang. Kung palagi na lamang mainit ang iyong ulo, hindi ka makakapag-isip ng tama at makakasama lang ito sa iyo.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner lalo na kung stressed talaga siya. Mas mabuti na huwag mo na muna siya kulitin ngayong araw.
Money/Career:
Kahit na magaling ka naman sa iyong trabaho, hindi pa rin maiiwasan na tamarin ka paminsan-minsan.
Lucky color: Violet
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Bago mo tanggapin ang isang proyekto, siguraduhin mo muna na paglalaan mo ito ng panahon at hindi mo paasahin ang mga taong may kinalaman dito.
Love:
Singles: Mukhang makikita mo na ang taong matagal mo na ipinagdarasal. Kaya naman huwag mong kalimutang magpakita ng sign na gusto mo siya.
Money/Career:
Mukhang dumarami na ang iyong pera, kaya naman kung may balak kang mag-invest sa isang bagay, gawin mo ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang taong gustong tulungan, gawin mo ito nang walang hinihinging kapalit. Tutal, mabait ka naman talaga.
Love:
Singles: Hindi porke nakakarelate ka sa kanya ay kayo na ang itinakda para sa isa’t-isa. Huwag masyadong umasa at baka masaktan ka lang sa huli.
Money/Career:
Kung meron kang matatanggap na advice ngayong araw tungkol sa iyong career, mas mabuti na sundin mo ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong malikot ngayong araw dahil may malaking chance na mapahiya ka sa harap ng maraming tao.
Love:
Singles: Huwag kang matakot sa mga commitments. Tandaan mo na kung seryoso ka sa magiging partner mo, gagawin mo ang lahat para magtagal kayo.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong sense of humor para mapalapit ka sa iyong mga boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mong mag-aral ng isang bagay, lalo na kung ito ay matagal mo nang gustong gawin. Walang masama kung susubukan mo ito.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para umamin ka sa iyong crush. Huwag ka na matakot dahil baka may pagtingin rin siya sa iyo.
Money/Career:
Kung vocal ka sa iyong trabaho, may chance na makitaan ka ng sense of confidence ng iyong mga kasama.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang ito na ang tamang panahon para sa pagbabago. Kung may balak kang lumipat ng trabaho, gawin mo na ito.
Love:
Couples: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong partner. Kahit na busy ka, iparamdam mo sa kanya na may oras ka para sa kanya.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang imanage ang iyong mga expenses, kaya mas mabuti kung magtitipid ka muna.
Lucky color: Violet
Lucky number: 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi ka sigurado kung itutuloy mo ang isang bagay, mas mabuti na ituloy mo na lang ito para kahit papaano ay masabi mong natapos mo ito.
Love:
Couples: Maaaring may gawin ang iyong partner para maging masaya ka ngayong araw. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Money/Career:
Okay lang maging isip-bata minsan, lalo na kung kailangan mong magrelax sa mga panahon na sobrang stressed ka na.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Irespeto mo ang paniniwala o opinyon ng ibang tao. Kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi nila, mas mabuting huwag na lang makipag-away.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin sa malayo dahil may taong malapit lang sa iyo ang may lihim na pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang agreement, siguraduhin mo muna na alam mo ang ginagawa mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung naguguluhan ka sa takbo ng iyong buhay, mas mabuti siguro kung magsisimba ka muna para humingi ng guidance sa Kanya.
Love:
Couples: Masyadong demanding ang partner mo at dapat mo siyang pagsabihan lalo na kung nahihirapan ka na sa ugali niya.
Money/Career:
May malaking chance na mawala ang focus mo sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 10