Ang pinakabagong soap ng GMA-7 na ‘Kung Aagawin Mo Ang Langit’ ay magtatalakay tungkol naman sa IVF o invitro fertilization at surrogate pregnancy.
Noong isang gabi pa ang presscon ng ‘Kung Aagawin Mo ang Langit’, at doon na ipinakilala ang bubuo sa cast ng bagong soap na ito. Marami ang natutuwa dahil finally ay ibinigay ang break na ito kay Mike Tan na produkto mismo ng GMA artista search.
Sina Will Devaughn, Michelle Madrigal, Mike Tan at Carla Abellana ang bubuo sa mga lead roles dito. Hintayin natin kung paano ito tatanggapin ng viewers lalo’t afternoon ang time slot.
Ang controversial na si Jay Altarejos ang director nito.