Sa kabila ng mga dumaraming issues at mga kontrobersiya na lumalabas sa hindi paglabas sa ASAP Rocks ng ABS-CBN ng Diamond Soul Siren na si Nina, mahinahon pa rin nitong sinagot ang mga isyung ibinabato sa kanya.
Una na rito ay ang balitang siya raw ay nagdadalang tao tapos ang isyung maglilipat daw siya ng channel at kung anu-ano pa na pinabulaanan naman ni Nina. Sa katunayan nga ay muli na siyang masisilayan sa ASAP Rocks ng ABS-CBN matapos ang kanyang matagumpay na series of concert shows abroad.
Sa ngayon ay busy naman si Nina sa kanyang susunod na album at muli na natin siyang makikita sa ASAP Rocks sa mga susunod na Linggo para magpromote ng pinakabago niyang album.