Marami ang nakapansin sa improvement ni Paulo Avelino sa pagiging guest niya sa teleseryeng ‘100 Days to Heaven’ kung saan kasabay niyang guest din si Christopher de Leon. Totoo naman pala talagang may ibubuga itong si Paulo sa aktingan, kailangan lang talaga ng tamang exposure.
Kalilipat lang ni Paulo sa Kapamilya Network pero talagang nakitaan na siya ng potensyal. Sa ngayon ay may balitang isasabak siya sa isang heavy drama kasama ang mga premyadong mga aktor. Maliban kina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Christopher de Leon na magiging bida sa ‘Padre de Pamilya’ (see the article here), balita ngayon na kasama na rin daw si Paulo sa seryeng ito.