Mapapanood na mamaya, October 9, ang special documentary na Think Before You Click, 8:45-10 p.m., sa GMA News TV. Si Howie Severino ang mangunguna sa pag-iimbestiga sa boundaries at influence ng Internet at social media. Ire-remind ng TBYC ang lahat na laging isipin ang impact ng status updates, tweets at blogs.
Makakasama ni Howie sina Kara David, Jun Veneracion, Elmo Magalona at Iza Calzado. Ang documentary ay part ng award-winning TBYC advocacy campaign on responsible Internet use ng GMA-7.